^

Punto Mo

Gen. Danao, na-‘wow mali!’

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NA-‘‘WOW MALI’’ si Manila Police District (MPD) director Chief Supt. Vicente Danao Jr., at ang kanyang mga armadong tauhan noong nakaraang linggo. Ganito kasi ‘yan mga kosa.

Dinisarmahan ng galit na si Danao at ng kanyang heavily-armed bodyguards si SPO4 Dennis de Jesus sa harap mismo ng opisina ng District Headquarters Security Unit (DHSU) matapos magsumbong ang hepe nito na si Chief Insp. Eugenio Extremadura na hinamon siya nito ng barilan.

Matapos madis-armahan, pinadapa pa sa semento at pinosasan si De Jesus. May pulis naman na taga-Explosive Ordnance Division (EOD) ang kinumpiskahan ng cell phone dahil kinukunan niya ng video ang insidente.

Siyempre, ang insidente ay nagdulot ng tension sa MPD headquarters dahil sa pinakamahabang panahon ay ngayon lang nangyari na ang heneral mismo ang nagdis-arma sa kanyang tauhan. Anyare, Philippine National Police chief Dir. Gen. Oscar Albayalde Sir?

Si De Jesus mga kosa ay kilala sa MPD headquarters sa UN Ave., na isang law graduate at pastor at sa tanang buhay niya ay wala pang hinamon ng away, lalo na sa hanay ng mga kabaro niya. Araguuyyy!

Kaya maraming mga kabaro niya sa MPD ang nagtaas ng kilay sa akusasyon ni Extremadura na hinamon siya ng barilan ni De Jesus­. Hak hak hak! Nagkaayos na kaya sina Danao at De Jesus? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Si Extremadura mga kosa ay bagong talaga ni Danao bilang hepe ng DHSU. Pinalitan niya ang kapatid ni De Jesus na si Chief Insp. Alex de Jesus na pinagsuspetsahang nag-aalaga ng mga “lubog” na pulis o ‘yung 15-30 cops na nagre-report lang kapag suweldo ng a-kinse o katapusan.

At ang kautusan ni Danao kay Extremadura ay linisin ang DHSU ng «lubog» cops. Kaya ayon sa mga report na nakarating kay kosang Rey Galupo, pinag-report ni Extremadura si SPO4 De Jesus noong Martes at inutusan na ilista ang lahat ng «lubog» cops sa kanilang departamento.

Siyempre, sumunod naman si SPO4 De Jesus at pagkatapos gawin ang utos sa kanya ay lumapit kay Extremadura para pirmahan ang report niya, ayon kay Galupo. Kaya lang mukhang high blood si Extremadura at nagalit na bigla at sabay hamon ng away kay de Jesus, anang report.

Sa puntong ito, tumawag si Extremadura sa amo niya na si Danao sabay report na hinamon siya ni De Jesus ng barilan. Siyempre, nagpupuyos sa galit si Danao, at kasama ang mga armadong bodyguard ay pinatulan si De Jesus na hindi man lang muna nag-imbestiga. Araguuyyyy!

Matapos mabatid na pinalundag lang siya, pinagalitan ng todo ni Danao si Extremadura, di ba kosang Pat Santos Sir? Hak hak hak! Akala ng mga kosa ko sa MPDPC, accomplishment na ni Danao ang kaso ni De Jesus, ‘yun pala itinulak lang s’ya sa malaking kahihiyan.

At sa tingin ng mga kosa ko, hindi na magrereklamo si De Jesus dahil small fry lang siya at ang magiging kalaban niya ay future PNP chief sa panahon ni President Digong. Kailangan bang ang heneral mismo ang magdis-arma sa nagkamaling tauhan? ‘Yan ang tanong. Ano kaya ang say ng Manila’s Finest sa insidenteng ito? Abangan!

DENNIS DE JESUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with