Baka ‘di mo pa alam (Part II)
… ang kakaibang bagay tungkol sa iba’t ibang PAGKAIN
Noong 1800s, pinaniwalaan ng mga tao na ang kamatis ay nakapagpapagaling ng pagtatae, jaundice at indigestion. May nag-imbento ng tomato pills na gamot sa mga sakit ngunit sa kalaunan ay bumagsak ang negosyo ng tomato pills noong 1840 dahil marami ang kumalat na fake pills.
Ang main ingredient ng Mountain Dew ay concentrated orange juice. (Wikipedia)
Ang fresh pineapple juice ay puwedeng tenderizer ng karne ngunit hindi dapat ibabad ang karne ng matagal dahil malulusaw ito.
May dalawang paraan ng pag-slice ng hotdog buns. Una ini-slice sa gilid na pangkaraniwang ginagawa natin kapag lalagyan natin ito ng palaman. Ikalawa, ini-slice ito ng lengthwise sa ibabaw. Ang tawag sa paraang ito ay New England style.
Technically, ang pagkain ng lollipop ay paglunok ng laway na may flavour.
Ang Hawaiian pizza ay inimbento sa Canada.
Ayon sa pag-aaral ng American Academy of Pediatric Dentistry, mas mabilis magpabulok ng ngipin ang chips at crackers kaysa candy. Matagal matanggal sa pagitan ng ngipin ang tinga na mula sa chips at crackers kaysa candy.
- Latest