^

Punto Mo

4 na kuwentong ‘Akyat-Bahay’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

1—Noong 2010, tatlong lalaki ang umakyat sa bahay ng isang babae sa Florida USA. Sa kahahanap ng mananakaw, napansin nila ang powder na nasa bowl. Natuwa ang mga lalaki dahil sa tingin nila ay cocaine iyon. Nag-agawan ang tatlo sa “powder” at agad nila itong sininghot. May CCTV sa loob ng bahay kaya namukhaan ang mga ito. Sa presinto, napag-alaman ng tatlong lalaki na ang sininghot nila ay abo ng pumanaw na kamag-anak ng babaeng ninakawan nila.

2—Noong 2005, pinasok ng isang magnanakaw ang bahay ng 82 years old na Australian cartoonist. Naabutan ng matanda na nasa loob ng kanyang bahay ang magnanakaw. Wala itong takip sa mukha kaya’t malinaw na namukhaan ng matanda ang magnanakaw na mabilis nakatakbo. Agad idinorowing ng matanda ang mukha ng magnanakaw habang fresh pa ito sa kanyang alaala. Agad nahuli ang magnanakaw dahil sa sketch ni Lolo cartoonist.

3—Sa Queensland, Australia, may tatlong magnanakaw na nagtangkang nakawin ang Koala ngunit hindi sila nagtagumpay. Mas malakas pala ito sa tatlong lalaki na nagkasugat-sugat ang katawan dulot ng mga kalmot ng Koala. Kaya ang ninakaw na lang ay ang buwaya na matagumpay nilang nailabas sa Rockhampton zoo.

4—Noong 2011, isang magnanakaw ang pumasok sa bahay ng professional basketball player na si Lou Williams sa Philadephia. Pero nakilala agad siya ng magnanakaw dahil ito pala ay mahilig manood ng basketball. Humingi ng tawad ang magnanakaw at hindi na itinuloy ang masamang balak. Inilibre ni Lou Williams ang magnanakaw sa McDo.

CARTOONIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with