Namuong mantika na mas malaki pasa Leaning Tower Of Pisa, sanhi ng pagbabara ng estero sa England
ISA palang “fatberg” o namuong mantika na mas malaki pa sa Leaning Tower of Pisa ang sanhi ng pagbabara sa estero ng Sidmouth, England.
Sa laki raw nitong 210-talampakan ay ang nasabing fatberg na raw ang pinakamalaking natagpuan ng mga tagapaglinis ng estero sa lugar.
Bukod sa mas malaki ito sa sikat na tore sa Italy ay kasing haba rin nito ang anim na double decker bus.
Ayon sa mga tagapaglinis ng estero, ang fatberg daw na iyon ang pinakamalaki na sa lahat ng kanilang nadiskubre sa loob ng imburnal at maaring abutin daw sila ng walong linggo sa pag-alis nito.
Bukod sa mantika, binubuo rin ang fatberg ng krudo at ng mga na-flush na tissue paper sa inidoro.
Bagama’t sobrang laki ng fatberg ng Sidmouth ay mas malaki pa rin ang nadiskubreng fatberg sa London, na umabot sa 820 talampakan ang laki at sinasabing pinakamalaki sa buong mundo.
- Latest