^

Punto Mo

EDITORYAL - Sana matuto na ngayong 2019

Pang-masa
EDITORYAL - Sana matuto na ngayong 2019

MAGING handa na sana ang mamamayan sa pagtama ng kalamidad para wala nang napapahamak. Marami ang matigas ang ulo at hindi sumusunod sa babala kaya maraming nagbubuwis ng buhay. Kahit paulit-ulit na pinagsasabihan na lumikas ang mga nasa gilid ng bundok dahil sa posibleng pagguho, hindi pa rin sumusunod.

Kahit pinaaalis na sa pampang ng ilog at sapa dahil umaapaw, marami pa rin ang sumusuway dahilan para may malunod. Gaya nang nangyaring trahedya nang manalasa ang Bagyong Usman sa Eastern Visayas, Bicol Region at Southern Tagalog noong nakaraang linggo bago ang pagsapit ng Bagong Taon. Sa tala ng NDRRMC, umabot na 122 ang mga namatay dahil sa pagguho ng lupa at pagbaha dulot ni Usman. Dalangin ngayong 2019 na maiwasan ang trahedya sa pagtama ng kalamidad at matuto ang mamamayan na sumunod sa utos kapag pinalilikas sa maaapektuhang lugar.

Laganap pa rin ang illegal drugs sa kabila ng kampanya ng pamahalaan. Halos araw-araw, may naaarestong drug pushers at users pero wala pa ring pagkaubos. Ngayong 2019, dalangin na matapos na ang problema sa droga at matukoy ng PDEA at iba pang drug enforcement agencies ang source ng shabu. Dalangin na hindi lamang mga pipitsuging drug pushers ang mahuli kundi mga malalaking drug syndicates. Kung malilipol ang big time drug syndicates, matatapos na ang problema sa droga.

Laganap pa rin ang corruption sa mga ahensiya ng pamahalaan. Kahit marami nang sinibak si President Duterte dahil sa pangungurakot, patuloy pa rin ang katiwalian at pagnanakaw sa pera ng taumbayan. Dalangin na maubos na ang mga corrupt ngayong 2019 para ang mamamayan ang makinabang at mabigyan nang sapat na serbisyo.

Marami pa rin ang walang trabaho sa kabila ng sinasabi ng pamahalaan na walang unemployment. Dalangin ngayong 2019 na makapag-create nang maraming trabaho para lahat ay maging masagana at walang magutom.

Malaking problema ang water at air pollution sa  bansa lalo sa Metro Manila. Grabeng dumi ng karagatan, ilog, sapa at mas lalo ang hangin. Dalangin ngayong 2019 na iprayoridad ng DENR ang paglinis sa Manila Bay, mga estero at ilog at ang hangin sa Metro Manila. Makakaya ito ni DENR Sec. Roy Cimatu.

MATUTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with