^

Punto Mo

‘Carmageddon’ asahan, ngayon!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nagpauna na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na paglabas ngayon ng lansangan magdala o magbaon ng mahabang pasensya, kung bakit mistulang ‘carmageddon’ ang araw na ito .

Kung sa mga nakalipas na araw ay naranasan ang matinding trapik, baka sa araw na ito mas dumoble .

Bukod sa araw na ito, na last minute shopping ng marami na­ting kababayan, sasabay pa rito ang magsisiuwi sa kani-kanilang mga lalawigan kasunod ng mahabang bakasyon.

Mula sa pangkaraniwang takbo ng mga sasakyan sa EDSA na 19kph ay magiging 12 kph sa araw na ito.

Sa mga bus terminal naman, maging sa mga pantalan at paliparan sa halos hindi mahulugang karayom ang dami ng taong naghihintay sa kanilang pagbiyahe.

Pero sa mga airport dagsa na rin ang dumarating na balikbayan.

Ibayong pag-iingat ang  maipapayo ng Responde  sa lahat ng mga maglalakbay.

Lalu na ngayon at sunud-sunod ang mga malalagim na aksidenteng nagaganap sa lansangan. 

Sa mga provincial bus driver, ‘wag naman sanang maging pasaway, umayos sa pagmamaneho lalu’t maraming buhay ang nakasalalay sa kamay n’yo.

Hindi lang sa mga pampublikong sasakyan ito, pati na rin sa mga pribado na bago maglakbay dapat muling ma-check na mabuti ang kondisyon ng mga sasakyan para hindi magkaaberya sa lansangan.

Kailangan din ang pagiging mahinahon para maiwasan naman ang komprontasyon sa lansangan na madalas ding pagmulan nang pagkakasakitan kung minsan nga ay patayan.

Laging tandaan, magulo na ang lansangan, ‘wag nang dagdagan pa ng init ng ulo ng mga indibiduwal.

CARMAGEDDON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with