^

Punto Mo

Talo sa malaki ang maliit

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

WALANG ransom este mali rason pala na imbestigahan pa ng pamunuan ng MIAA ang reklamo ng ilang oversea’s Filipino wor-kers ng magsumbong tungkol sa kanilang nawawalang mga importanteng kagamitan matapos silang i-deport sa Saudi Arabia pabalik sa Philippines my Philippines.

Naku ha!

Bakit kaya?

Nakita ng pamunuan ng Manila International Airport Authority ang viral video footage ng isang Andrew Montes sa social media.

Sa video, sinasabing nawala ang phone, relos, singsing, bracelets at atik na P42,000 na inilagay niya sa kanyang check-in luggage.

Naku ha!

Totoo kaya ito? 

Ayon sa reklamador, hindi pinayagan ng Saudi immigration policemen diumano ang mga kasamahan niyang deportees na bitbitin ang kanilang  hand-carry luggage sa eroplano at sinabihan pa raw sila bago pumasok dito na ilagay sa loob ng check-in bags ang lahat ng gamit nila.

Naku ha!

Ano ba ito?

Kaya pinasok ng reklamador ang kanyang kagamitan sa isang maliit na backpack at pagkatapos ay inilagay pa niya sa isang malaking backpack at saka nilagyan ng packaging tape pero ng dumating sila sa NAIA at makuha ang kanilang shipment sa arrival conveyor ay nawawala na ang maliit na backpack na pinaglagyan ng mga importante kagamitan.

Bakit kaya?

Iyan ang problema.

Ibinida ng pamunuan ng MIAA, ni-review nila ang footage mula sa body camera ng mga ramp agents sa rampa ng NAIA habang inaakyat ang mga bagahe sa arrival conveyor pero wala silang nakitang iregularidad na ibinibintang nang nawalan.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ang problema mukhang hindi sasagutin ng Saudia airline ang reklamo ng pasahero porke ang mga importanteng bagay na sinasabi nito ay hindi idineklara sa port of origin.

Patay!

Ang pinakamasama nito marami ang nakapanood sa social media ng reklamador na nawalan daw ng importanteng mga bagay, kaya tiyak na ‘talk of the town’ na naman ang NAIA rito na may nakawang nangyari sa paliparan.

Naku ha!

Yari na naman. Hehehe!

Ano ba ito?

 

vuukle comment

MALIIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with