^

Punto Mo

Identical twins sa California, halos sabay pang nanganak

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pares ng kambal sa California ang nanganak ng dalawang oras lamang ang pagitan sa isa’t isa.

Ayon sa ulat ng pahayagang Fresno Bee ay nauna si Bao Kou Yang na magsimulang mag-labor. Agad naman siyang sinundan ng kapatid niyang si Bao Nhia Yang na nakaramdam rin ng pananakit ng tiyan kaya sinabihan niya ang kanyang kambal na “I might be in labor with you.”

Nanganak si BaoKou sa oras na 6:59 pm samantalang 8:48 p.m naman nang ligtas na nai-deliver ang anak ni BaoNhia.

Parehong babae ang bagong panganak ng dalawa, na halos pareho rin ang mga timbang.

Ang identical twins ay mula sa isang pamilya na may 14 mga anak at ayon sa kanila ay hindi sila mapaghiwalay noong sila’y mga bata pa sa Fresno.

Kahit pinagpustahan pa ng kambal kung sino sa kanila ang unang manga-nganak ay hindi pa rin daw nila inasahan na sobrang magiging magkalapit ang mismong oras ng kanilang pagluluwal dahil dalawang araw pa daw ang pagitan ng mga due dates na sinabi sa kanila ng kanilang mga doktor.

Bagama’t hindi makapaniwala sa pangyayari ay labis namang natutuwa sina BaoKou at BaoNhia na katulad nilang magkambal ay pareho ang na-ging kaarawan ng kanilang mga babies.

FRESNO BEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with