Mga hindi mo alam tungkol sa prutas
Ang avocado ay may pinakamaraming fat content kumpara sa lahat ng prutas at gulay sa buong mundo. Ang taglay nitong fat ay tinatawag na monounsaturated na maganda ang idudulot sa ating katawan.
Sa Asheville North Carolina ay may “Edible Park”. May nakatanim ditong 40 varieties ng prutas at nuts. Welcome ang publiko na mamitas ng prutas ngunit pinaaalalahanan na huwag maging greedy at pitasin lang ang kaya nilang ubusin.
Ang “fruit” ay botanical term samantalang ang “vegetable” ay culinary term. Halimbawa ay Kamatis. Botanically, ito ay prutas ngunit kapag lulutuin, ito ay ginagamit bilang sangkap na gulay.
Noong 1893, inihatol ng US Supreme Court na ang kamatis ay gulay kahit botanically, ito ay prutas.
Ang pinya ay hindi “single fruit”, sa halip ito ay grupo ng berries na nagdikit-dikit sa iisang tangkay.
Bago nagkaroon ng prutas na orange, ang English speaking people ay may tinatawag na kulay “geoluhread” mula sa old English term na ang ibig sabihin ay red-yellow. Nang lumutang ang prutas na orange, ang “geoluhread” ay pinalitan nila ng terminong “orange”.
Synsepalum dulcificum, ay kilala rin sa tawag na “Miracle Fruit”. Nabuo ito bilang experiment ng mga scientists. Miracle fruit ang tawag dahil kapag kumain ka nito at pagkatapos ay susundan ng pagkain ng maasim na pagkain, ang maasim ay maglalasang matamis. Nangyari ito noong 1970s at plano sana nilang ibenta sa publiko ang miracle fruit. Hindi natuloy ang plano dahil sinabotahe ang kanilang “project” ng sugar industry. Natakot na bumagsak ang sugar industry. (Itutuloy)
- Latest