^

Punto Mo

5 holdaper sa Belgium natiklo matapos makumbinsi ng may-ari ng tindahan na bumalik na lang sa hapon

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAISAHAN ng isang may-ari ng tindahan sa Charleroi, Belgium ang limang kalalakihan na nanutok sa kanya ng baril at nagdeklara ng holdap sa kanyang establisimento.

Kita sa CCTV footage kung paano napigilan ng may-ari ang panghoholdap sa kanyang tindahan nito lamang nakaraang Sabado sa pamamagitan ng pagkumbinsi sa mga kawatan na bumalik na lang sa hapon kung kailan mas marami nang lamang salapi ang kanilang cash register.

Naniwala naman ang grupo sa sinabi ng may-ari kaya umalis ang mga ito nang hindi siya hinoholdap.

Halatang lubos din ang pagkakumbinsi ng may-ari sa mga holdaper dahil bumalik pa ang mga ito noong hapon ding iyon sa tindahan, kung saan may mga pulis nang nakaabang upang sila ay arestuhin.

Dahil sa nangyari ay naniniwala tuloy ang may-ari na hindi nag-iisip ang mga nangholdap sa kanyang tindahan.

Tiklo ang limang kalalakihan na nanloob sa tindahan, kabilang na ang isang menor de edad.

vuukle comment

BELGIUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with