^

Punto Mo

Matandang Tinali (232)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SINO ang mga magiging ninong at ninang natin, pati ang abay, Dong?’’

“O e di si Manong Nal­do at ang asawa niya. Sila lang naman ang lubos na-ting kilala. Puwede nating kunin ang hepe ng PDEA na agad umaksiyon sa ating sumbong. Ano sa palagay mo, Joy?’’

“Oo nga ano. Kaysa maghanap tayo ng kung sinu-sino na hindi naman natin kilala e di yung nakatulong na sa atin. Tama ka Dong.’’

“Tatawagan ko ang aking kapatid sa Australia at sa-sabihin ko na mag-aasawa na ako. Tiyak na darating yun dahil noon pa sinasabi sa akin na kapag ikakasal daw ako tiyak na lilipad siya patungo rito.’’

“Talaga? E di tatawagan ko na rin ang kapatid ko sa Canada para makauwi siya. Magugulat din yun dahil matagal na niya akong itinutulak mag-asawa. Baka hindi na raw ako magkaanak kapag hindi pa nakapag-asawa.’’

“Aba e di solb na pala ang problema natin, Joy.’’

“Oo nga. E paano ang food?’’

“Maraming catering service sa bayan. Si Manong Naldo ang paghahanapin natin. Sabi niya minsan, naging cook siya ng isang karinderya na ngayon ay nagki-cater na.’’

“Talaga? Sige para kakaiba ang food natin.’’

“Halika na Joy. Pag-usapan pa natin sa kubo ang ating plano. Gusto ko plantsado na ang ating pagpapakasal.’’

“Paano ang isusuot ko, Dong?’’

“Aba siyempre magandang trahe rin. Espesyal na araw yun at kailangang maganda ka.’’

“Excited na talaga ako Dong.’’

“Ako man, Joy.’’

Naglakad sila na mag-kahawak ng kamay.

(Tatapusin na bukas)

MATANDANG TINALI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with