^

Punto Mo

Lalaki, panalo ng $1-m sa lotto matapos tayaan ang numbers sa fortune cookie

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa New Jersey na nanalo ng $1-milyon sa lotto ang nagsabing nakuha lamang niya ang nanalong kombinasyon sa loob ng isang fortune cookie.

Ayon kay Ronnie Martin, ilang taon na niyang inaalagaan ang mga numero, na pawang nakuha lamang daw niya sa piraso ng papel na nasa loob ng isang fortune cookie na inihain sa kanya ilang taon na ang nakararaan.

Ang fortune cookie ay isang klase ng biskwit na karaniwang inihahain sa mga Chinese restaurant sa America. Kakaiba ang mga fortune cookie dahil sa loob nito ay matatagpuan ang isang piraso ng papel na kadalasang may nakasulat na hula ukol sa kapalaran ng makakakuha nito.

Sa halip naman na isang hula, numero ang nakasulat sa papel na nasa loob ng fortune cookie ni Martin, na tinayaan simula noon.

Plano ni Martin at ng kanyang asawa na itabi ang kanilang napanalunan matapos mabayaran ang utang sa hinuhulugang bahay.

vuukle comment

FORTUNE COOKIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with