^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga batang nagra-rugby patuloy sa pagdami

Pang-masa
EDITORYAL - Mga batang nagra-rugby patuloy sa pagdami

NAKAAALARMA na ang pagdami ng mga batang kalye na nagso-solvent o nagra-rugby. Kahit saan ay makikita sila. Maski sa EDSA, makikita silang nakikipagpatintero sa mga sasakyan, particular sa Guadalupe area na bawat isa ay may dalang plastic na supot na may lamang rugby.

Nag-viral sa social media ang viedo ng dalawang batang nagra-rugby habang nasa bubong ng isang tumatakbong taxi. Nagawang makasampa ng dalawang batang rugby sa bubong ng taxi habang traffic. Wala namang ginawang masama ang dalawang bata kundi sumakay lang pero delikado ang ginawa nila sapagkat maaari silang mahulog at masagasaan. At sa dakong huli ang drayber pa ang may kasalanan. Wala namang pulis o MMDA traffic enforcer na nakita sa lugar para sawayin ang mga batang rugby.

Hindi lamang sa EDSA gumagala ang mga batang rugby kundi maging sa Avenida Rizal, Recto Avenue, Taft, España Blvd,, Macapagal Avenue, Commonwealth, North Avenue at iba pang lugar sa Metro Manila. Grupo-grupo sila kung gumala. Kadalasang natutulog sa island at maging silong ng LRT at MRT.

Ang mga grupo ng kabataang sumalakay sa mga pasahero ng jeepney sa Macapagal Blvd. ay pinaniniwalaang nagra-rugby. Nag-viral din sa social media ang insidente kung saan sinabunutan pa ng isang batang palaboy ang babaing pasahero. Umano’y nagalit ang mga palaboy na bata nang hindi ibigay ng pasahero ang bitbit nitong pagkain.

Isa pang insidente nang pagsalakay ng mga batang palaboy ay nangyari sa Taft Avenue makaraang pagtulungan nilang gulpihin ang isang matandang lalaki at inagaw ang bag nito.

Ngayong papalapit ang holiday season, inaasahang dadami pa ang mga batang kalye. Sapilitang aakyat sa mga dyipni at manghihingi at kapag hindi nabigyan, kung anu-ano ang gagawin. May pagkakataong nandudura at nagsasaboy ng kung anong likido ang mga batang ito. Ang pagbabantay ng mga pulis at ang pagkilos ng DSWD para sa mga batang ito ang nararapat.

MMDA TRAFFIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with