^

Punto Mo

Pasahero ng eroplano papuntang Russia, nagbaon ng 20 ahas sa kanyang maleta

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI na lamang isang pelikula ang “Snakes On A Plane” ngayon dahil nangyari na rin ito sa totoong buhay matapos madiskubreng may baon na 20 ahas ang pasahero ng isang eroplanong lumipad patungong Russia mula Germany.

Ayon sa hindi na kinilalang lalaki, nabili raw niya ang mga ahas sa isang pamilihan sa Germany, batay sa ulat ng isang lokal na pahayagan sa nasabing bansa.

Animo’y mga pangkaraniwang souvenir items lamang ang mga ahas, na tig-iisang nakalagay sa kanya-kanyang lata at bitbit ng lalaki sa loob ng kanyang hand-carried na bagahe.

Hindi pa malaman ang eksaktong uri ng mga ahas ngunit batay sa mga unang pagsusuri ay hindi naman daw makamandag ang mga ito.

Sa kabila nito, nahaharap pa rin sa reklamo ang pasahero dahil sa pagdadala niya sa eroplano ng mga ahas, na na-quarantine sa Moscow dahil walang mga karampatang dokumento.

Nagpaliwanag naman ang mga awtoridad sa Germany na wala namang naging insidente sa security check sa kanilang paliparan at bagama’t kaila­ngan ng pahintulot ay hindi rin iligal sa kanilang bansa ang pagdadala ng ahas sa loob ng eroplano.

vuukle comment

SNAKES ON A PLANE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with