^

Punto Mo

Tips to remember

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Kapag magpapainit ng kanin or pasta sa microwave oven, wisikan muna ito ng tubig sa ibabaw bago ipainit upang maglasang bagong luto.

Natuklasan sa isang pag-aaral na ang isang epektibong paraan upang matanggal ang sinok ay paghinga sa loob ng plastic bag ng 30 seconds.

Paano tatanggalin sa damit ang mantsa ng tinta? Pahiran ito ng toothpaste. Patuyuin. Saka labhan.

Mainam na laging may baong plastic bag sa iyong laptop bag. Dito mo isisilid ang iyong laptop kapag bumabagyo.

Para tumigil ang balinguyngoy, lagyan ng bulak ang ngala-ngala tapat ng ilalim ng ilong. Diinan mabuti ang bulak gamit ang dila.

Hindi kakapitan ng molds ang bagong biling shower curtain kung iispreyan ito ng tubig na hinaluan ng asin bago isabit sa shower room.

Taglay ng lemon ang potassium. Ang potassium ay mainam na sustansiya na pumipigil sa high blood, sakit sa puso, nerbiyos at depresyon.

Pantanggal ng balakubak: Imasahe ang one-fourth cup na lemon juice sa anit ng 5 minutes. Banlawan ng tubig ang buhok.

Ang lemon juice ay may urinary citrate. Ito ang pumi-pigil para hindi mabuo ang crystals na kapag naipon ay nagiging bato sa bato.

Kapag hindi palainom ng tubig, ang oxygen level sa dugo ay bumababa na nagreresulta ng sobrang pagkapagod at panlalambot.

vuukle comment

MICROWAVE OVEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with