^

Punto Mo

EDITORYAL - Diktador na school administrator

Pang-masa
EDITORYAL - Diktador na school administrator

HINDI na malilimutan ng mga estudyante ng Bicol Central University ang kanilang dating school administrator na masahol pa sa diktador. Imagine, kung hindi nai-post sa Facebook ang ginawang pagsunog sa mga bag at backpack ng 15 estudyante ng BCA sa Libmanan, Camarines Sur noong nakaraang linggo sa utos ng administrator na si Alexander James Jaucian, hindi mabubu-king ang kakaibang pagdisiplina nito sa mga bata.

Dahil nag-viral ang video ng panununog sa mga bag at ang mga hindi magandang pananalita ng administrator na si Jaucian, agad kumilos ang Department of Education (DepEd) regional office sa Bicol. Pinagpaliwanag si Jaucian sa pangyayari. Sumulat si Jaucian sa DepEd at inamin ang pagkakamali. Ayon sa kanya, “unorthodox” umano ang pamamaraan niya ng pagdidisiplina sa mga bata.

Ayon sa report, nagalit umano ang administrator nang hindi sumunod ang 15 estudyante sa “no-bag” policy ng school na ipinatutupad sa tinatawag na “Tatsumaki Day”. Ang mga estudyante umano ay naka-business attire kaya hindi dapat magdala ng anumang school bag o kahit na backpacks. Masama raw tingnan na naka-attire pero may mga dalang bag. Pero 15 estudyante ang hindi sumunod sa polisiya dahilan para magmura ang administrator at iniutos na sunugin sa quadrangle ang mga bag at backpack na ang ilan ay may lamang laptop at cell phone. Ayon pa sa report, habang sinusunog ang mga bag, tinawag pang istupido ni Jaucian ang mga estudyante.

Umaksiyon din agad ang board of trustees ng BCA at sinuspende si Jaucian. Wala siyang matatanggap na sahod habang suspendido. Nagsalita na sa harap ng mga magulang si Jaucian at humingi ng tawad. Ang ilang magulang ay tinanggap ang apology ng administrator pero may ilan na hindi matanggap ang ginawa nito at balak nang i-transfer ang anak sa ibang school. May nagpayo naman kay Jaucian na magbitiw na sa puwesto para ganap siyang malimutan ng mga magulang at estudyante. Isang malaking aral ang mapupulot sa ginawa ni Jaucian na dapat maging maingat sa pagpapasya lalo pa’t ang sangkot ay mga estudyante. Dapat magpakita nang magandang halimbawa sa mga bata.

DIKTADOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with