Hindi mo alam sa British Royal Family (Part 2)
Si Kate Middleton ang first royal bride na may college degree.
“Your Majesty” ang dapat itawag sa reyna kapag kayo ay magkaharap. Unethical na tawagin siya sa kanyang pangalan, halimbawa, Queen Elizabeth.
Dalawa ang birthday ng Reyna: April 21 at June na walang permanenteng petsa. Tunay niyang birthday ay April 21 na royal families lang ang nagseselebreyt. Tinawag na “official birthday” ang second birthday ng reyna kung saan isinasagawa ang Trooping of Colour. Dito ay ipinaparada sa kalye ang reyna kasama ang 1,400 soldiers, 200 horses, at 400 musicians.
Kailangang nakabihis nang pormal ang royal family sa kanilang dinner. Minsan ay naka-casual dress lang ang asawa ng reyna, si Prince Philip, kaya napagkamalan ng chef na isang hardinero ng palasyo.
May sinusunod na paraan nang pag-upo ang royal ladies. Dapat ay magkadikit ang legs. Puwedeng mag-cross ang ankles. Bawal ipatong ang isang leg sa ibabaw ng tuhod.
Noong si King George V ang nasa trono, ang apelyido nila ay Windsor pero nang si Queen Elizabeth na ang namuno, ang ginamit nilang apelyido ay Mountbatten-Windsor.
Noong nagkaroon ng survey sa isang website, si Prince Charles ang least favourite sa royal family members.
Ang royal boys ay magsusuot lang ng pantalon pagsapit ng 8 taong gulang.
(Itutuloy)
- Latest