^

Punto Mo

EDITORYAL - Madaliin ang kaso ng ‘pork barrel queen’

Pang-masa
EDITORYAL - Madaliin ang kaso ng �pork barrel queen�

NOONG 2013 pa sumuko ang “pork barrel queen” na si Janet Lim Napoles, pero hanggang ngayon, bahagya pa lamang umuusad ang kanyang kaso kaugnay sa P20 bilyong pork barrel fund scam. Bagama’t nakakulong sa Camp Bagong Diwa, marami ang nangangamba na malusutan ni Napoles ang batas at maging malaya. Walang ibang kawawa rito kundi ang sambayanang Pilipino.

Dahil sa kabagalan ng kaso, naunahan pa ng US Federal jury na mabulatlat ang marami pang kaso ni Napoles, mga anak nito, kapatid at hipag sa US. Nahaharap sa maraming kaso ng money laundering sa US sina Napoles at nais ng korte roon na dalhin ito roon para humarap sa paglilitis. Ayon sa report, nahaharap sa kasong criminal sina Napoles dahil sa laundering ng $20 milyong pondo.

Pera ng taumbayan ang sangkot dito kaya dapat apurahin ang paglilitis sa kaso ni Napoles. Sabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra, hindi raw maaa-ring mapaunlakan nang basta-basta ang kahilingan ng Federal grand jury na maibiyahe si Napoles sa US dahil kailangan munang tapusin ang kaso rito. Kapag natapos na saka lamang maaaring humarap doon ang “pork barrel queen”. Ang tanong ay kung kailan matatapos ang kaso niya rito.

Bukod kay Napoles, marami pang pulitiko ang sangkot sa pork barrel scam. Kabilang sa mga sinampahan na plunder sa Office of the Ombudsman sina Ramon Revilla Jr., Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada. Nakalaya naman sina Enrile at Estrada. Si Revilla ay nananatili sa detention center sa Camp Crame.

Madaliin ang kaso ni Napoles para naman magkaroon ng tiwala ang taumbayan sa justice system sa bansa. Hindi birong pera ng taumbayan ang ninakaw at dapat lamang itong pagbayaran. Hindi dapat makahulagpos ang mga magnanakaw. Maging alerto naman ang Bureau of Immigration at baka makalabas ng bansa ang mga inaakusahan. Ayon sa report, nakalabas ng bansa ang anak na babae ni Napoles.

 

vuukle comment

PORK BARREL QUEEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with