Sugpuin pags at hired killers -- Rep. Sarmiento
HABANG maaga pa iminungkahi na ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, sa PNP at AFP, na dapat lumikha ng isang pambansang puersa ng gawain na nakatutok sa pag-sugpo nang mga pribadong armadong grupo at upahang mamamatay tao.
Ang mga pribadong armadong grupo at mga hired killer ay pakuyakoy-kuyakoy sa kanilang mga lungga dahil malapit na ang 2019 midterm elections kaya kapansin-pansin aniya ang pagtaas sa marahas na pag-atake laban sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan.
Ibinida ni Sarmiento, mas tataas pa ang mga mararahas na insidente sa mga lokal na politiko dahil papalapit na ang filing of candidacy na magsisimula sa October.
Malinaw, aniya na may mga politiko ang patuloy na nagmimintini ng mga armadong goons at nakahanda upang gamitin sa karahasan lamang para burahin ang mga potensyal na karibal sa politika.
Ang PNP at AFP, ay dapat ding pagsumikapan upang neutralisahin ang mga pags at gun for hire syndicate.
Ikinuento ni Sarmiento, na ang Samar province ay kilalang political hotspot dahil sa kanyang mahabang kasaysayan ng mga politikang pagpatay at sa kahilingan nito, isang provincial PNP-AFP task force na tinawag na Joint Task Force CAGASMAS ay nilikha upang neutralisahin ang pribadong armadong grupo at hired guns sa lugar.
Hindi biro ang nangyaring sunud-sunod na patayan ng mga opisyal ng gobierno nitong mga nakaraan buwan kaya dapat itong pag-ingatan.
Sabi nga, kailangan gumalaw ang PNP at AFP lalo’t malapit na ang filing of candidacy sa Philippines my Philippines para sa midterm election next year.
Abangan.
Congrats, Pacman !
Nagmistulang maamong tupa si Lucas Matthysse ng paluhurin ni Pacman ito sa lona sa ika-7th round.
Hudyat ito ng pagtatapos ng boxing ng dalawa ng ideklarang knock-out si Lucas kay Pacman at masungkit muli ang world title belt na nakuha sa kanya ni Jeff Horn noon laban nila sa Australia.
Parang hindi pa tapos ang alamat ni Pacman sa boxing !
Marami ang nagtaka sa ipinamalas na bilis at lakas sumuntok ni Pacman kahit na 39 yrs. old na ang beteranong boksingero.
Ika nga, hindi pa ito kupas !
Unang bumagsak sa round 3 si Lucas, sa round 5 at natapos ang boxing sa round 7.
Sabi nga, tko si Lucas kay Pacman.
Si Pacman ay may 60 wins, 7 losses, 2 draw at 39 KO’s sa kanyang boxing career.
Umangat ang kartada niya sa 60 panalo, 7 talo, 2 tabla kasama na ang pambihirang 39 KO’s
Sa nangyari kay Lucas at ipinakitang galing, bilis at lakas ni Pacman mukhang gusto niyang makaharap sina lightweight champion Vasyl Lomachenko , na may kartadang 11-1-9 KOs at si welterweight king Terrence Crawford na may 33-0-24 KOs.
Kung si Boss Digong naman ang tatanungin gusto na niyang magretiro sa boxing ang kanyang kaibigan.
Sabi nga, enjoy life !
- Latest