^

Punto Mo

‘Kamatayan’ ng araw

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

MATAGAL nang tinataya ng mga scientist na, bagaman milyun-milyong taon pa ang dadaan bago ito mangyari, darating ang panahon na mamamatay ang araw (sun). Kung baga sa bumbilya, mapupundi at mawawalan ng liwanag.

Gayunman, sa edad niya ngayong 4.5 bilyong taong gulang, nasa glory years pa rin umano ang araw. Nauna nang sinasabi ng agham na, pagkaraan ng may 10 bilyong taon, ang core ng araw ay mawawalan ng napakaraming hydrogen at helium at magiging isa itong red giant star.

Gayunman, isinaad sa isang bagong pag-aaral na lumabas umano nitong nagdaang linggo sa Nature Astronomy na, kapag namatay ang araw, magiging isa itong ghostly ring ng expanding gas na kilala sa tawag na planetary nebula.

Ipinaliwanag ni Professor Albert Zijlstra ng University of Manchester sa isang pahayag na, kapag ang isang bituin ay namatay, nagpapalabas ito sa kalawakan ng mass ng gas at dust na tinatawag na envelope. Ang envelope ay maaaring kalahati ng mass ng bituin. Nalalantad dito ang core ng star at, sa puntong ito, nauubusan na ng gatong ang buhay nito, humihinto hanggang sa tuluyang mamatay.

Pero hindi pa ito konklusyon hinggil sa kamatayan ng araw. Isa lang ito sa mga pag-aaral, ayon sa mga scientist, pero kahit paano ay may ilan na silang idea kung ano ang mangyayari sa araw kapag namatay ito. Maaari umanong maging multo.

 

vuukle comment

KAMATAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with