^

Punto Mo

Ibalik ang bitay!

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

PATULOY na dumarami ang heinous crime sa bansa na patunay na ang kulungan ay hindi talaga kinatatakutan ng mga demonyong kriminal na gumagahasa at pumapatay ng mga bata na ang karamihan ay sabog sa ipinagbabawal na gamot. Papaano pa katatakutan ang makulong kung nagiging milyonaryo sa loob ng kulungan at nakakapag-concert pa ang iba dahil malakas ang industriya ng droga sa loob ng kulungan mismo? May mga sindikato ring pumapatay sa mga hindi makapag-intriga sa kanila ng mga mga pinagbentahan ng mga epektos, kaya dapat na maputol ang ugat at sanga ng sindikatong nakakaperwisyo sa mamamayan. Ang kamay na bakal ay palitan na ng kamay ng mga malumanay magtuturok ng lethal injections.

Marami nang kolumnista sa diyaryo at komentarista sa radyo ang napapaslang na hindi pa nabibigyan ng katarungan hanggang ngayon na ang mga mastermind at kriminal na gun for hire ay malaya pa ring nakagagalaw at lantaran ang pambabastos sa hustisya.

Sana may mabitay ring attorney at judge

May mga kaso ng heinous crimes ang matapos na dinggin sa husgado ay maluwag na nakakalaya ang akusado dahil sa mahina diumano ang ebidensiya kahit may mga mabibigat na testimonya ang mga testigo na nagdidiin sa mga demonyong kriminal. Napapaikot nila ang batas dahil sa mga teknikalidad sa pagkakaaresto o testimonyang naililiko dahil magagaling ang abogado ng kriminal. May mga menor de edad na nasasangkot sa pagnanakaw at pagpatay ang naaabswelto dahil sa murang edad.

Ibaba na rin ang edad ng dapat na makulong o bitayin kung ang isang menor de edad ay meron nang libog at pagnanasa kaya nagawa nito ang manggahasa at pumatay. Pag-isipan sana ito ng mga kongresista at senador upang may katakutan ang mga menor de edad na puno ng kademonyohan ang pag-iisip. Iba ang kasalanan o krimen na  hindi pinag-isipan kaysa pinagplanuhan talaga, kahit menor de edad pa ang gumawa nito. Kailangan pa bang bigyan ng pagkakataon na makaulit pa sila habang wala pa sila sa edad na 18? Mag-isip naman kayo!

Ang mga kriminal na dapat nang bitayin ay pinakakain pa ng gobyerno hanggang sa mamatay ito sa loob ng kulungan. Ibinibili pa sila ng damit at binibigyan ng higaan at ipinagbabayad ng kuryente at tubig, samantalang napakaraming matitino at maka-Diyos ang nagugutom dahil pinatay nila ang bread winner ng pamilya nito. Shalom!

HEINOUS CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with