^

Punto Mo

Halaga ng omega-3 fatty acids sa katawan

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

MAS mainam kumain ng isda kaysa karne ng baboy o baka. Maliit ang tsansang magkasakit sa puso kung maraming kinakaing isda kaysa karne ng hayop. Ito ay dahil sa “omega-3 fatty acids” ng mga isda.

Ang omega-3 fatty acids ay ang tabang tinataglay ng isda. Nagtataglay din kasi ng kolesterol ang isda. Pero ang taba na makikita sa isda ay mababa sa tinatawag na saturated fatty acids na masama sa ating puso. Ang mga isda na medyo mataba ay matatagpuan sa malalim na bahagi ng dagat, gaya ng salmon at mackerel, at sinasabing nagtataglay nang maraming “omega-3 fatty acids.” 

Sa mga isinagawang pag-aaral, napatunayang may idinudulot na proteksyon laban sa pagkakasakit sa puso ang “omega-3 fatty acids”. Inilalayo tayo nito sa pagkakaroon ng atake sa puso. Ito ang dahilan kung bakit naging popular ngayon ang napakaraming food supplements  na may “omega-3 fatty acids”.

Batay sa isang pag-aaral na isinagawa, ang mga kababaihang kumakain ng isda limang beses sa isang linggo ay bumaba ang pa­nganib ng matinding atake ng puso ng 45% kumpara sa mga babaing kumakain lamang ng isda paminsan-minsan lang sa isang buwan. Sa isa pang pag-aaral, natuklasan na ang mga kalalakihang nagtataglay nang maraming “omega-3 fatty acids” sa katawan ay bumaba ang panganib ng atake sa puso ng 81% kumpara sa mga lalaking mababa ang level ng omega-3 sa katawan.

Paano naman ang seafoods na gaya ng hipon, alimango, talaba, at iba pang shellfish na mataas ang kolesterol?

Ang mga nabanggit na seafoods ay nagtataglay nang maraming kolesterol kumpara sa mga karaniwang isda na ating kinakain kung ang pag-uusapan ay ang “total fat” at “saturated fatty acids.  Pero kung ikukumpara pa rin sa taba na galing sa karneng baboy, baka, o manok, mas mabuti pa rin ang mga ito. Bawasan lamang ang pagkain nito sa ating pang-araw-araw na diet. 

Kung nais mapababa ang level ng kolesterol sa katawan, maipapayo ang pagkain nang maraming isda kaysa karne. Dagdagan din ang pagkain nang maraming gulay.

FATTY ACIDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with