Ilaglag na mga pangalan sa barangay narco-list
LAGOT! Mukhang hindi na puedeng gawin secret ang mga pangalan ng mga barangay officials na kasama sa narco-list ni Boss Digong Porke iniutos nito sa PDEA na ibuyangyang ang mga pangalan nila dahil sangkot daw sila sa illegal drugs trade.
Naku ha
Yari sila.
Sabi sa balita, may 211 ang nakapilang pangalan ng mga barangay sa narco-list.
Kailangan matiyak na sabit talaga ang mga barangay na nasa narco-list sa usapin ng illegal drugs dahil kung walang evidence kawawa naman sila.
Sabi nga, baka makakalampag pa ng husto!
Dapat properly coordinated ang PDEA at DILG sa pinag-uusapan natin para maging malinaw ang galaw.
Malapit na ang barangay at SK election kaya siguro dapat lang ilabas ang mga pangalan ng involved sa droga bago sila maiboto ulit at manalo.
Ika nga, tama na patayin este mali palitan pala sila.
May kabuuan 289 barangay ang nasa listahan. Ang 143 todits ay mga barangay officials samantala ang 146 ay mga sinasabing miembro ng barangay council.
Abangan.
• • •
Budget sa recall election, nasaan?
Hindi natuloy ang verification ng mga boto ng mga nakatira sa San Juan City para sa recall election.
Bakit?
Wala pang atik galing sa Comelec kaya hindi muna tinuloy ang verification activities sa lugar.
Ang balita oras na inilabas ng Comelec ang funding saka itutuloy ang beripikasyon ng mga dagta este mali lagda pala.
Naasar ang kampo ni dating San Juan Vice Mayor Francis Zamora tungkol sa pangyayari.
‘Asan nga pala napunta ang budget?’
May mga natuwa kaya sa nangyaring delay?
Abangan.
- Latest