^

Punto Mo

Parekoy(10)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HABANG naglalakad patungo sa terminal ng bus patungong Maynila ay si Sarah pa rin ang naiisip ni Lino. Grabe talagang boka ni Sarah. Iba na talaga ang mga babae ngayon. Masyadong game na game sa pagsasalita. Hindi niya kayang makipagpalitan ng biro. Talagang mahina siya sa batuhan ng biro.

Maski nang nakasakay na siya sa bus ay si Sarah pa rin ang kanyang naiisip. Ano nga kaya at patulan na niya ang mga pagbibiro nito. Mukha namang mabait si Sarah. Maboka nga lang at mapagbiro pero sa tingin naman niya ay may itinatago ring kaseryosohan ang babaing iyon.

Dapat nga sigurong pag-aralan niya na maging maboka rin sa harap ng babae. Huwag niyang panaigin ang pagi-ging torpe. Kapag hindi niya binago ang pagiging mahiyain sa tsik ay baka tumandang binata siya. Sabi nga ni Ping ay mahaba na ang tahid niya. Huwag na raw niyang palampasin ang pagkakataon dahil kumakagat na si Sarah. Okey naman daw si Sarah at may pinag-aralan pa.

Saka naisip na sana ay niyaya niya si Sarah kanina na magmeryenda. Pagkakataon na. Pero paano nga niya magagawa iyon ay saksakan siya ng torpe. Halos nagkandabuhol nga ang dila niya sa pagsagot kay Sarah kanina. Grabeng dungo siya kapag kaharap ang babae. Iyon ang dapat niyang pag-aralang gawin --- alisin ang pagkamahiyain sa babae.

NANG dumating siya sa Maynila ay agad niyang tinawagan si Ping at ibinalita ang tungkol sa pagkikita nila ni Sarah.

‘‘Anong ginawa mo Pare­koy? Pagkakataon na iyon ah?’’

“Wala nga Parekoy. Alam mo naman, dungo ako.’’

Nagtawa si Ping.

“Ibang klase ka talaga. Sana niyaya mong kumain.’’

“Hindi ko nga naisip yun.’’

“Anong balak mo nga-yon?’’

‘‘Pagbalik ko d’yan sa inyo e baka hindi na ako dungo.’’

“’Yan ang gusto ko sa’yo Parekoy. Sige punta ka na uli rito.’’ (Itutuloy)

PAREKOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with