^

Punto Mo

Parekoy(8)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ALANGAN yata ako Parekoy kay Sarah,” sabi ni Lino. “Siya ay mahigit 20 ang edad samantalang ako ay mahigit 40 na. Parang malaki ang agwat.’’

“Hindi! Meron ngang 70 ang lalaki at 20 ang babae. Ayos lang ang agwat ng edad n’yo ni Sarah.’’

“E kung ayaw niya ng matanda?’’

“Nakita ko ngang malagkit ang tingin sa’yo kanina. Sige na. Ikaw rin baka lalong humaba ang tahid mo.’’

“E ikaw Parekoy, sino naman ang balak mong diskartehan?’’

“Wala. Bahala na kung makapag-asawa. Parang masarap naman ang buhay ko bilang binata.’’

“Ako gustong mag-asawa kaya lamang ay pihikan talaga ako Parekoy. Gusto ko ba ay yung perpekto na talaga ang mapipili ko.’’

“Parekoy walang perpek­tong tao --- lahat ay may kapintasan. Tatanda ka kapag pinairal mo ‘yan.’’

Nag-isip si Lino.

“Sige, uminom na nga lang tayo at baka mamaya-maya ay makapagpasya ka ukol kay Sarah. Pero kung ayaw mo talaga at parang napipilitan ka, ikaw ang magpasya,” sabi ni Ping at nagsalin ng alak sa baso ni Lino. “O tagay na Parekoy. Masarap uminom kapag ganitong kapagkikita natin. Tikman mo itong kare-kareng puso ng saging at masisiyahan ka. Maanghang yan.’’

Kumutsara si Lino ng kare-kareng puso ng saging.

“A ang sarap nga, huuu! Ang anghang Parekoy!”

Nagtawa si Ping.

“Ang hina mo sa anghang Parekoy. Parang isang dakot na sili lang ang nilagay diyan, ha-ha-ha!’’

Hindi na nila napag-usapan si Sarah.

TATLONG araw na namalagi si Lino kina Ping.

Hanggang nagpaalam na siya sa kaibigan para lumuwas ng Maynila pero babalik din siya. Pangako niya iyon kay Ping.

“Balik ka agad Parekoy! Wala ka namang gagawin    sa Maynila.’’

“Oo. Babalik agad ako. Salamat sa pag-intindi mo sa akin dito, Parekoy.”

Naglalakad na sa kalsada si Lino patungo sa sakayan ng bus nang may tumawag sa kanya.

“Parekoy!”

Si Sarah! (Itutuloy)

PAREKOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with