^

Punto Mo

‘Na-ano lang’ ni Sotto

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MULING napatunayan kung gaano na kaimpluwensiya  ng social media sa panahong ito.

Isang halimbawa rito ay ang naging komento at pagbibiro ni Sen. Tito Sotto sa idinaos na pagdinig ng Commission on Appointments (CA).

Naisalang sa CA para sa kumpirmasyon si DSWD secretary Judy Taguiwalo at dito ay kinumpirma ng kalihim na siya ay single parent.

Dito isiningit ni Sotto ang kaniyang joke na “na-ano lang” na hindi nagustuhan ng women’s group at iba pang sektor.

Binatikos si Sotto sa social media at nag-trending ang nasabing usapin. Nakatikim si Sotto nang masasakit na salita, pagmumura at iba’t ibang uri ng pang-iinsulto dahil wala namang limitasyon dito taliwas sa traditional media sa radyo o telebisyon.

Agad na humingi ng paumanhin si Sotto sa sinumang nasaktan o hindi nagustuhan ang kanyang biro at nilinaw na walang intensiyon na maliitin o pahiyain si Taguiwalo.

Leksiyon ito sa mga kilalang personalidad na dapat ay maging maingat sa anumang bibitawang salita dahil maaring ito ay makasira sa kanya o puwedeng sumikat sa social media.

Pero makakabuting mag-move on na tayo at marahil ay napapanahon na upang magkaroon ng batas o panuntunan upang ma-regulate ang social media tulad sa pangkaraniwang media na kailangan maging responsable at hindi maaring magsalita ng foul dahil may katapat na parusa.

 

JUDY TAGUIWALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with