‘Timplado, may kulay na pagbabalita’
PANSIN n’yo rin ba, wala nang pumapatol at kumakagat sa kiyaw-kiyaw ng mga dilaw?
Ang mga tao nanawa na. Alam kasi nila kapag bumuka ang bibig nina Trillanes, De Lima maging si VP Robredo puro basura ang maririnig nila.
Pero ang mga yellow media partikular ang isang mala-king broadsheet na may battle cry na “Balanced news, fearless views” talagang pini-pick up lahat.
‘Yung timplada, kulay at panlasa ng balita iba na. Lahat nang sinasabi ng dilaw balita. Lahat tama. Para sa kanila kapag tumahimik na si Trillanes et al wala nang balita.
Kaya ang mga dilawan ganado sa pagkiyaw-kiyaw. Alam kasi nila, mayroon na silang espasyo sa telebisyon, radyo at diyaryo maging sa online kortesiya ng mga yellow media.
Pero kapag ang nagsalita ay administrasyon, kahit na positibong mga balita lahat mali. Kasi sa kanilang pananaw at panlasa maling presidente si Duterte.
Kung kaalyado ka o miyembro ng Gabinete, lahat nang pinaggagawa mo, mali na rin, wala nang tama.
Wala nang objective news. Kung noon kuryente lang ang Inquirer, ngayon talagang sinasadya na, pinaninindigan na nila. Hindi kasi sila naka-align sa administrasyon.
Hindi kasi nila matanggap, mahigit limang taon pang uupo si President Duterte. Kaya lahat sila kuyog ang ginagawa. Pare-parehong atat na maupo ang manok nila.
Hindi ko tinitira ang nasabing malaking broadsheet. Ito ay pag-aanalisa lamang, sarili kong pananaw at sariling damdamin.
Nasapol ko ba kayo? Tamaan ‘wag magalit!
• • • • • •
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.
- Latest