^

Punto Mo

Ang mga kandidato na papalit kay Bato!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Pinuri ni DILG Sec. Mike Sueno ang drug rehabilitation program ng San Juan City. Sa 900 drug surrenderees ng siyudad ni Mayor Guia Gomez, halos 243 ang graduate na sa drug rehab at nabigyan pa ng livelihood assistance. Natuwa si Sueno dahil ang barangay-based rehabilitation program ni Gomez ay nabigyan ng pag-asa na magbagumbuhay ang drug surrenderees sa pamamagitan ng pagbigay sa kanila ng food carts para makapag-umpisa sila ng negosyo. Ang drug rehab prog­ram ni Gomez ay inumpisahan noong nakaraang Agosto sa Bgy. West Crame. Maaring gamitin ng DILG na halimbawa ang drug rehab program ng San Juan sa iba pang lugar ng bansa. Ang city drug abuse council ay pinangunahan ni Vice Mayor Janella Ejercito-Estrada at naghikayat ito sa mga residente ng 21 barangays na sumuko at magbagumbuhay. Maliban sa livelihood training, sumailalim din ang drug surrenderees sa guidance at spiritual counseling ng religious leaders.

* * *

Halos 10 buwan pa sa puwesto si PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa subalit usap-usapan na sa Camp Crame kung sinu-sino ang papalit sa kanya. Matapos magretiro si Dep. Dir. Gen. Frank Uyami noong Marso 19, pumalit sa kanya si Dep. Dir. Gen. Ramon Apolinario. Siyempre, si Apolinario at si Bato ang pinagpilian noon ni Pres. Digong na maging PNP chief kaya nag-aabang na lang ang una sa pagretiro ni Bato. Kahit bagyo siya kay Digong, hindi dapat magpatumpik-tumpik si Apolinario dahil marami ang nag-aambisyon na papalit kay Bato, di ba mga kosa ko dyan sa Camp Crame? Nais ding makasingit ni Dir. Gregorio Pimentel, hepe ng Directorate for Intelligence (DI) na may direktang linya rin kay Digong. Hindi naman mapunta sa DI si Pimentel kung mahina ang kapit niya kay Digong, di ba mga kosa? Sina Apolinario at Pimentel ay magkaklase sa PMA Class ’85 subalit ang una ay magreretiro na sa Aug. 2018 samantalang ang huli ay maging 56 naman sa May 2019. Kaya lang, hindi lang sina Apolinario at Pimentel ang nagkukumahog na maging PNP chief dahil lumutang din ang pangalan ng kaibigan kong si Dir. Bong Leuterio ng Internal Affairs Service (IAS). Si Leuterio naman mga kosa ay miyembro ng PMA Class ’88. ‘Ika nga sa feng shui ng ating mga kababayang mga Intsik mga kosa, itong numerong 8 ay buwenas. Eh dahil doble 88 ang klase ni Leuterio, ibig kayang sabihin ay sobrang buwenas niya? Boom Panes! Hehehe! Kanya-kanyang guhit ng palad lang ‘yan, di ba mga kosa?

Kung sabagay, sobrang buwenas talaga ni Leuterio. Para mapabilis ang promotion niya, pumasok si Leuterio sa IAS para i-avail ang kaluwagan nito sa quota ng promotion sa PNP. Kaya biglang naging director si Bong samantalang ang mga classmates niya sa PNP ay wala pang naging heneral. Ang kandidato sa pagka-heneral ng class ’88 ngayong taon ay si PNP spokesman Sr. Supt. Caloy Carlos. Mukhang nakadaya rito si Leuterio ah. At dahil two-star na siya, puwede nang makipagsabayan sina Leuterio kina Apolinario at Pimentel sa pagka-PNP chief, di ba mga kosa? Boom Panes! Hehehe! Pare-parehas lang naman na galing sa Davao ang tatlong kandidato na papalit kay Bato, di ba mga kosa? Ang pagkaiba lang meron pang Phoenix na tumutulak kay Leuterio. Get’s n’yo mga kosa?

Ang balitang kumakalat sa Camp Crame sa ngayon, ay aalsa ang mga PNP officers kapag si Leuterio na ang direktang papalit kay Bato sa katwirang bata pa siya. Ha? Bakit si Bato nang maupo ay nilampasan din ang apat na klase ng PMA subalit wala namang umalsa? Kung nakaukit na sa palad ni Leuterio na maging PNP chief, aba wala nang makapigil sa buwenas n’ya, di ba mga kosa? Abangan!

MIKE SUENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with