^

Punto Mo

‘Ingat sa Budol!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

RAMDAM na ang pagbabago ng panahon. Papasok na ang tag-araw.

 Binibigyang babala ng BITAG ang publiko. Habang kasagsagan ng tag-init, kasagsagan din ng mga street crime modus isa na rito ang “Budol-budol”.

 Gasgas na ang modus na ito subalit marami pa rin ang nabibiktima. Nahihimasmasan nalang sila kapag naisagawa na ang krimen.

 Ang kanilang dahilan, nahipnotismo. Napasunod daw sila ng grupo na magbigay ng pera, alahas at iba pang mga mahahalagang bagay.

 Pero para sa BITAG, walang hipnotismo. Ang totoo, may itinatago ring kasakiman at nasilaw sa mga kapalit na pangako.

 Organisado ang operasyon ng grupong nasa likod ng Budol-budol. Bawat isang miyembro ng grupo, may papel na ginagampanan. Gamit ang “budol” money, napapaniwala nila ang kanilang puntirya na totoo ang  pera na sinasadya talaga nilang ipinapakita.

 Tinawag itong “budol” dahil tunay na pera ang nasa ibabaw subalit sa gitna at ilalim mga ginupit-gupit na papel o diyaryo. Kung hindi ka sanay sa ganitong uring modus, aakalain mong totoong pera.

 Kadalasang makikita ang grupo sa mga lansangan at matataong lugar. Ang estilo,  lalapit sila sa kanilang target. Kukunin ang atensiyon, magmamagandang-loob at pinaka-pangkaraniwan nilang boladas, hihingi ng direksyon papunta sa pinakamalapit na banko.

 Ang iba naman, nagpapaawa o sinasadya talagang magmukhang kaawa-awa na parang takot na takot sa lugar. Iisa ang kanilang layunin, ang mahatak ang bibiktimahin at mahulog sa kanilang bitag.

 Mahirap basahin ang anyo ng mga sindikato dahil nag-iiba-iba sila ng estratehiya. Pero ang gasgas na nilang estilo, magpapain ng mga magagandang babae o hindi naman kaya isang matandang lola na sa halip na iwasan mo, maaawa at mapapalapit ka.

 Dahil salat ka sa kaalaman, maaakit ka sa boladas at personalidad ng mga  nagpapanggap na dorobo. Dito na nangyayari ang modus.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

BUDOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with