^

Punto Mo

Trahedya sa lansangan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Malagim na trahedya ang naganap kamakalawa , ang insidenteng pagsalpok ng isang bus na inarkila para sa field trip ng mga estudyante sa Tanay, Rizal kung saan nga 15 ang nagbuwis ng buhay.

Parang napakahirap na tanggapin lalu na nga sa mga magulang ng mga nasawing mag-aaral ang pangyayaring ito na sa isang iglap ay biglang nawala ang kanilang mga anak.

Dahil sa trahedyang ito, gaya ng dati , kaya marami na namang isyu ngayon ang bumabangon at binigyan ng pansin.

Una na nga rito, ang mga isinasagawang field trip o educational tours sa mga paaralan.

Nandyan ang usapin sa umano’y pagpilit ng ilang paaralan sa pagsama ng mga mag-aaral sa ganitong mga aktibidad , nandyan ang mga waiver na pinapipirma sa mga magulang na walang dapat panagutan ang mga paaralan.

Nauungkat din ngayon ang mga sertipikasyon kaugnay sa mga road worthiness o safety , nandyan din ang pinamamadali ang batas speed limiter ng mga sasakyan partikular ang bus at trak.

Kahapon pinatigil muna ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagsasagawa ng mga field trips  sa lahat ng public at private colleges at universities matapos ang naganap na   bus accident na ito sa Tanay, Rizal . Moratorium muna sa mga educational tour.

Mukhang magkakaroon na rin ng imbestigasyon ang Senado patungkol sa insidente  na ang pagtutuunan o ang sisilipin ay  kung sino ang nagbigay ng sertipikasyon kaugnay sa “road worthiness” ng naaksidenteng sasakyan.

Sinabi  nga kay Sen. Tito Sotto tila laging nasisisi   ang pagkawala ng preno pero hindi nasisilip kung nararapat pa bang bumiyahe sa mga lansangan ang mga sasakyang nasasangkot sa aksidente.

Sa Kamara naman isang kongresista na ang nagapahayag na dapat madaliin ang implementasyon ng speed limiter law para makaiwas ang piubliko sa malalagim na trahedya.

 Noon pa sanang nakalipas na taon   naging ganap na batas ang Republic Act 0916 o Road Speed Limiter Act na nag -oobligang lagyan ng device ang mga bus at truck na awtomatikong pipigil sa bilis ng mga ito para pumalo na ang takbo sa 80 kilometers per hour pero hanggang ngayon umano    ay ni hindi pa bumubuo ang DOtr ng Technical Working Group (TWG) para bumuo ng implementing rules and regulations (IRR) ng batas na ito.

Marami pa lang dapat na maipatupad para maiwasan ang ibat-ibang uri ng aksidente na hindi naipapatupad at naaalala lamang sa tuwing may trahedya.

Kailangan pang may magbuwis ng mga buhay bago makita ang ganitong mga batas na kundi man mapigilan ang aksidente sa daan ay mabawasan man lang.

Wake up call na naman to, na madalas na sa umpisa lang pero pag naglaon hindi naman naipapatupad.

 

FIELD TRIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with