^

Punto Mo

Babae sa Canada, nagawang mabuhay ng 6 na araw na walang mga baga

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa Canada ang nagawang mabuhay ng anim na araw sa kabila ng kawalan ng kanyang mga baga matapos ang isang kakaibang operasyon na nagtanggal sa mga ito.

Kinailangang tanggalin ng mga doktor ang mga baga ng 33 anyos na si Melissa Benoit matapos itong labis na mapinsala ng sakit na cystic fibrosis.

Puno na ng bacteria ang mga baga ni Benoit at hindi ito mapuksa ng mga antibiotic kaya kumakalat na rin ang impeksyon sa kanyang dugo.

Ito ang dahilan kung bakit minabuti na ng mga doktor na tuluyan nang alisin ang kanyang baga matapos nilang hingan ng permiso ang mga kaanak ng pasyente.

Kung hindi kasi nila aalisin ang mga baga ni Benoit ay maaring hindi na siya umabot sa nakatakdang organ transplant para sa mga bagong baga.

Kitang-kita agad ang epekto ng pagtanggal ng mga naimpeksyong baga kay Benoit dahil bumalik kaagad sa normal ang kanyang presyon.

Matapos ang operasyon ay pansamantala muna siyang ikinabit sa isang makina na siyang nagsilbing kanyang mga baga.

Pagkaraan ng anim na araw ay dumating na ang donor lungs na tagumpay na nai-transplant kay Benoit.

Ngayon ay mabuti na ang kondisyon ni Benoit at kahit siya ay hindi makapaniwalang nagawa niyang mabuhay ng halos isang linggo nang walang mga baga.

Pinaniniwalaang ang pag-alis ng mga doktor sa dalawang baga ni Benoit upang mailigtas ang kanyang buhay ang kauna-unahang pagkakataon na ginawa ang nasabing operasyon.

OPERASYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with