^

Punto Mo

Tagilid na ang 3rd term ni Erap!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

TAGILID na ang inaasam-asam na third term ni Manila Mayor Erap Estrada dahil sa kontrobersiyal na desisyon ng city council na kaltasan ng P60 milyon ang pondo ng mga pampublikong ospital ng lungsod. Ang maaapektuhan sa desisyon na ito ay ang mga mahihirap na sumuporta sa kanya noong May election. Kung noong mga nakaraang taon, panay reklamo ng mga mahihirap na walang sapat na gamot ang mga public hospital tulad ng Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila, Sta. Ana hospital, Gat Andres Memorial Medical Center, at Hospital ng Tondo, lalo na ngayong nabawasan pa ang pondo nila? At hindi lang ‘yan, maaapektuhan din ang serbisyo-publiko, pati na ang suweldo ng mga kawani ng naturang mga ospital, di ba mga kosa? Sa totoo lang, ang mga middle class at mga mayayaman lang ang hindi apektado sa hakbang ng city council na isinulong ni majority leader Cassy Sison, na dating bata nina dating mayor Alfredo Lim at Lito Atienza at vice mayor Isko Moreno. Ayaw kaya ni Sison at nang majority bloc sa konseho na makamit pa ni Erap ang ambisyon niyang third term? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Kasi nga kapag walang gamot ang mga pampublikong ospital ng Maynila, eh di maraming mahihirap ang mamamatay at malaking kabawasan ito sa boto ni Erap sa darating na halalan, di ba mga kosa? Boom Panes! Hehehe! Imbes na ang slogan na, “Erap para sa mahirap,” baka magiging ganito na, “Kay Erap mamamatay ang mga mahihirap.” Ano ba ‘yan?

Sa totoo lang, may kontrobersiya ang pagpasa ng batas na ito ng city council noong Enero 3 sa botong 17 pabor at 13 ang ayaw. Apat na konsehal ang nag-abstain samantalang tatlo naman ang absent. Sinabi ng mga kosa ko sa city hall, na andun naman sa session hall sina Vice Mayor Honey Lacuna at ang 13 miyembro ng minority bloc subalit na-hijack ang pagpapasa ng batas, ‘ika nga. Hehehe! Kasi nga mga kosa, ang ginawa ni Kon. Anton Capistrano, ng District 4, hinila niya ang mga miyembro ng majority bloc sa labas ng session hall at dun sila nagsagawa ng sarili nilang caucus at naipasa nga ang batas na nagbabawas ng pondo ng mga public hospitals ng P60 milyon. Hehehe! Parang may martial law sa city hall no mga kosa? Kasi nga kung sa session hall isinagawa ang caucus mga kosa magkakaroon ng karapatan ang mga minority bloc na busisiin ang pondo para maarok kung saan mapupunta ito. Tumpak! Kaya sa ginawa ni Capistrano, kinasuhan siya ni Lacuna ng usurpation of authority sa Ombudsman! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Saan napunta ang P360 milion na pondo? Ayon sa mga kosa ko sa city hall ang nabawas na pondo ng mga ospital ay napunta sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at sa Manila Tricycle Regulatory Office (MTRO). Mas inuna pa ng mga konsehal ang trapiko at tricycle kaysa sa health service sa mga mahihirap na botante ni Erap. Ano ba ‘yan? Sa totoo lang mga kosa, halos P28 milyon lang ang budget na hinihingi ng MTPB sa taon na ito habang ang MTRO naman ay P12 milyon. Subalit dahil sa P60 milyon na kaltas sa mga ospital, ang budget ng MTPB ay umabot na halos sa P229 milyon samantalang ang sa MTRO ay P114 milyon. Aba..aba…Malaki masyado ang ganansiya nitong MTPB at MTRO ah, di ba mga kosa? Ang balitang kumakalat sa ngayon sa city hall ay nagsusumite na ng pangalan ng 30 katao o job orders  (JO) ang mga miyembro ng majority bloc sa MTPB at MTRO. Hehehe! Ito ang tinatawag na “ghost employee” mga kosa? Kung ang tarima sa bawat JO ay P12,500, kung ikaw ay aabutan ng P8,000 o kahit mababa pa, di mo ba tatanggapin eh ghost employee ka lang at sumipot-dili ay may ganansiya ka? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Alam ni President Digong ang ganitong sistema dahil halos 20 years siyang naging mayor ng Davao City. Hehehe! Maliwanag na corruption ito, di ba Boss Digong?

Sa mga mahihirap sa Maynila, sana huwag kayo padadala sa bola-bola kamatis na pananalita sa 2019 election dahil kayo rin ang kawawa. Abangan!

 batas, ‘ika nga. Hehehe! Kasi nga mga kosa, ang ginawa ni Kon. Anton Capistrano, ng District 4, hinila niya ang mga miyembro ng majority bloc sa labas ng session hall at dun sila nagsagawa ng sarili nilang caucus at naipasa nga ang batas na nagbabawas ng pondo ng mga public hospitals ng P60 milyon. Hehehe! Parang may martial law sa city hall no mga kosa? Kasi nga kung sa session hall isinagawa ang caucus mga kosa magkakaroon ng karapatan ang mga minority bloc na busisiin ang pondo para maarok kung saan mapupunta ito. Tumpak! Kaya sa ginawa ni Capistrano, kinasuhan siya ni Lacuna ng usurpation of authority sa Ombudsman! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Saan napunta ang P360 milion na pondo? Ayon sa mga kosa ko sa city hall ang nabawas na pondo ng mga ospital ay napunta sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at sa Manila Tricycle Regulatory Office (MTRO). Mas inuna pa ng mga konsehal ang trapiko at tricycle kaysa sa health service sa mga mahihirap na botante ni Erap. Ano ba ‘yan? Sa totoo lang mga kosa, halos P28 milyon lang ang budget na hinihingi ng MTPB sa taon na ito habang ang MTRO naman ay P12 mil­yon. Subalit dahil sa P60 mil­yon na kaltas sa mga ospital, ang budget ng MTPB ay umabot na halos sa P229 milyon samantalang ang sa MTRO ay P114 milyon. Aba..aba…Malaki masyado ang ganansiya nitong MTPB at MTRO ah, di ba mga kosa? Ang balitang kumakalat sa ngayon sa city hall ay nagsusumite na ng pangalan ng 30 katao o job orders  (JO) ang mga miyembro ng majority bloc sa MTPB at MTRO. Hehehe! Ito ang tinatawag na “ghost employee” mga kosa? Kung ang tarima sa bawat JO ay P12,500, kung ikaw ay aabutan ng P8,000 o kahit mababa pa, di mo ba tatanggapin eh ghost employee ka lang at sumipot-dili ay may ganansiya ka? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Alam ni President Digong ang ganitong sistema dahil halos 20 years siyang naging mayor ng Davao City. Hehehe! Maliwanag na corruption ito, di ba Boss Digong?

Sa mga mahihirap sa Maynila, sana huwag kayo padadala sa bola-bola kamatis na pananalita sa 2019 election dahil kayo rin ang kawawa. Abangan!

MANILA MAYOR ERAP ESTRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with