^

Punto Mo

Ang tunay na ‘forever’!

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

TUMIGIL ang pag-ikot ng mundo ni Lee Van nang bawian ng buhay ang kanyang pinakamamahal na asawa noong 2003. Si Lee Van ay 55 years old, taga-Quang Nam province, Vietnam.

Simula nang ilibing ang misis ni Van, tuwing gabi ay pumupunta siya sa sementeryo para doon matulog. Naghukay siya ng tunnel sa tabi ng puntod upang makatabi sa pagtulog ang bangkay ng asawa.

Pagsapit ng 2004, naisip ni Van na hukayin na lang ang bangkay ng asawa at dalhin sa kanilang bahay. Upang maibalik ang dating porma ng kanyang misis, binuo niya ito gamit ang clay. Nang matapos ay nagmukha itong manikin. Binihisan niya ang bangkay at inihiga sa tulugan nilang mag-asawa. Pati ang anak niyang lalaki ay nasanay na rin makatabi ang bangkay ng ina sa higaan. Noong una ay nawiwirduhan ang mga kapitbahay sa ginawa ni Van pero sa bandang huli ay natanggap na nila ito. Ang huling balita ay pinuntahan ng mga otoridad si Van para ito pagsabihan na ang ginawa niya ay labag sa sanitation law. Wala nang balita kung nakapangyari ang batas o ang kagustuhan ni Van na panatilihin sa kanyang bahay ang bangkay ng asawa.

“The day I will stop loving you is the day when I  close my eyes forever.”

LEE VAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with