^

Punto Mo

Mga kawatan pasalakay na naman

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Eto na ha, ilang araw na lang talaga at papasok na ang buwan ng Disyembre, amoy na amoy na talaga ang holiday season.

Sa ganitong panahon mas lalong dapat na magpatupad nang matinding pagbabantay  at seguridad ang ating kapulisan.

Pihadong nagsisimula nang magplano ang mga kawatan at sasalakay na naman anumang oras.

Panahon na naman  na kanilang pagpuntirya sa mga pinaghihirapang kabuhayan ng ating mga kababayan.

Marahil kailangang palakasin na ngayon pa lamang ang police visibility at kung maaari   nga dapat na magpakalat na rin ng mga naka-sibilyang pulis na magbabantay sa mga sasalakay na masasamang-loob.

Ingat kayo dahil sa ganitong panahon marami rin ang lulutang na mga manloloko, dorobo at mga magsasamantala .

Yung iba rekta kung kumana, yung iba naman hindi halata nananamantala talaga.

Maraming mukha ang mga ito kaya dapat marunong tayong bumasa sa kanilang modus.

Mahirap na, baka mawala ang pinaghirapan ninyo para sa pamilya ninyo.

Kaya nga laging maging alerto.

vuukle comment

GUS ABELGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with