^

Punto Mo

Inimpound na mga sasakyan, nakatambak sa daan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi na makatiis ang maraming mga motorista ang ma-tinding trapik sa may East Avenue sa lungsod Quezon.

Sana ay matignan na rin ito ng MMDA, PNP-HPG at maging mga traffic enforcer sa pamahalaang lungsod.

Ang siste kasi rito, hindi ang dami ng sasakyan ang nagiging sagabal o dahilan nang pagkakabuhol-buhol ng trapik, kundi ang mga ipinaradang mga sasakyan na iyon pala eh na-impound na mga colorum vehicles.

Aba’y , ginawang impounding area ang harap ng gusali ng LTFRB sa East Avenue na pangunahing daanan sa lungsod.

Ngayon, ayon sa mga napeperwisyong motorista, dalawang outer lanes ng naturang daan ang inookopahan ng mga sasakyan, karamihan eh naglalakihang bus na inimpound ng LTFRB.

Karamihan sa mga sasakyang ito ay may paglabag katulad ng walang prangkisa, out of line, walang papeles at gumagamit ng pekeng car plates at iba pa.

At hindi na matubos ng mga may-ari dahil naman sa mataas na multa. Kaya nga ang resulta naka-park sa kalsada.

Dapat itong matignan ng LTFRB, hindi ba nila alam na  yon ang nagsisilbing pangunahing sagabal sa naturang daanan.

Hindi ba’t katuwang sila sa paglutas sa matinding trapik, eh bakit mismong sa kanilang balwarte eh hindi nila napapansin ang mga sagabal sa trapiko.

Matagal nang nakukunsume rito ang maraming motorista na dapat din ay nakikita ng DPOS ng Quezon City.

PNP HPG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with