Kaso ng kidnap posibleng mamayagpag
Nakatutok ngayon ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa ulat na muling pamamayagpag ng kaso ng kidnap for ransom.
Anim na insidente umano ng kidnap ang naganap sa Binondo, Maynila sa loob lamang ng nakalipas na tatlong linggo, ayon mismo kay Pangulong Digong.
Ayon naman kay NCRPO director Oscar Albayalde na wala pa silang impormasyon hinggil dito, gayunman nakikipagko-ordinasyon na sila sa iba pang units para dito.
Ang sinasabing anim na kaso ng kidnapping, ayon sa Pangulo ay nangyari sa loob lamang ng nakalipas na tatlong linggo.
Posibleng may kinalaman ang pag-usbong ng kaso ng kidnap sa walang humpay na kampanya ng pamahalaan sa ilegal na droga.
Dahil nga raw sa marami na ang natakot sa kampanya sa droga, bumaba ang supply nito kaya ang ilang sangkot dito ay nagbabago na naman ng modus.
Ang ilan bumabalik sa pangingidnap o kaya ay carjack o iba pang operasyon na mada-ling pagkakitaan.
Sa panig pa rin ng NCRPO, regular naman umano ang kanilang ugnayan sa Chinese community.
Posibleng hindi na umano iniulat sa pulisya ng mga naging biktima ang insidente kaya wala sa kanilang rekord.
Aantabayanan natin ang mga maging kahihinatnan ng mga pagbusisi na gagawin dito ng kapulisan sa kanilang gagawing kampanya para maging ang kidnapping at ilan pang ilegal na gawain ay matuldukan din.
Marahil dapat na pgsabaysabayin na lamang ang maihtung na operasyon sa lahat ng grupo ng kawatan at huwagatutok sa iisa lamang.
- Latest