^

Punto Mo

Carabao Man (37)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SA bagong condominium ni JP sa Tomas Morato sila humantong ni Maryanne. Ang condo ay bonus sa kanya ni Mr. Kim dahil sa pagkita ng pelikulang “Apoy sa Kandungan”.

Takang-taka si Maryanne nang ipasok ni JP ang kotse sa basement parking.

“Anong gagawin natin dito, JP?’’

“Magkukuwentuhan.’’

“Sira!’’

“Magkukuwentuhan nga pagkatapos nating maglunoy sa batis.’’

Nagtawa si Maryanne.

“Ba’t ka nagtawa Maryannne? May nakakatawa ba?’’

“Masyado ka kasing matalinhaga sa pagsasalita. Paano tayo maglulunoy e wala namang batis dito.’’

“Meron. Pagdating natin sa unit ko, makikita mo ang batis,’’

“Bahala ka na nga. Puro ka kalokohan, JP.’’

“Tena na Baby Maryanne.’’

Nagtungo sila sa unit ni JP sa 25th floor.

Hangang-hanga si Maryanne sa unit ni JP. Kumpleto sa gamit. Napakagara ng interior arrangement.

“Wow, iba ka na talaga, JP.’’

“Magkakaroon ka rin nito, Maryanne.’’

“Sana. Ang bait ni Mr. Kim no?’’

“Dapat lang siyang ma-ging mabait sa akin dahil kung hindi sa talent ko, baka matagal nang bagsak ang Dayami Films. Naghihingalo na nga yun dati. Pero nang biglang dumating si JP, biglang umimbulog. Di ba, Maryanne?’’

“Oo na. Ikaw na ang pinakamahusay na artista.’’

“Talaga naman. Talo ko nga ang mga sinasabi nilang mahuhusay daw. Taob sila kay JP.’’

“Hanga nga ako sa’yo JP. Kaya nga kahit saan mo ako yayain, payag ako.’’

“Kahit sa heaven?’’

“Oo.’’

“Paano yung siyota mo? Di ba laging may nakabantay sa’yo sa set?’’

“Wala yun.’’

“Anong wala?’’

“Wala na kami.’’

“Talaga? Tamang-tama pala ang paglabas natin. Akalain mo, malaya ka na pala sa siyota mo.’’

“Ano pang hinihintay mo?’’

Na-challenge si JP. Big­lang niyakap si Maryanne at siniil ng halik ang labi nito. Napakalambot ng labi ni Maryanne. Idiniiin pa niya. Lumaban si Maryanne. Naglabanan ang kanilang dila.

Nang bumitiw sila sa isa’t isa ay kapwa humihingal.

“Hindi na ito arte Baby Maryanne, totoo na ito, ha-ha-ha!’’

“Puro ka salita JP. Gusto ko sa lalaki e umaaksiyon at hindi nagdadrama.’’

Na-challenge si JP.

Winarak ang damit ni Maryanne. Lumantad ang ka­angkinan ng babae. (Itutuloy)

LADY ORAGONS

SHAKEY’S V-LEAGUE

WATER DEFENDERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with