Carabao Man (26)
ISA sa mga kumitang pelikula ni Johnpaul sa Dayami Films ay ang tungkol sa love affair niya sa isang batambatang secretarya niya. Sa pelikula ay nagkaroon sila ng relasyon. Hanggang mahuli sila ng kanyang asawa na nagtatalik sa isang kuwarto. Napakahusay nang pagkakaganap ni Johnpaul sa pelikulang iyon. Katambal niya ang isang baguhang starlet na si Maryanne na gumaganap na secretary niya.
Sa isang bed scene nila ay naging mainit ang ‘‘tukaan’’ nila ni Maryanne at natatangay siya. Akala niya ay totoo na ang nangyayaring lapangan nila ng maganda at seksing si Maryanne. At pakiramdam ni Johnpaul ay nagpapaubaya rin si Maryanne.
Naputol lamang ang masarap nilang paghahalikan nang biglang magsalita ang director ng “CUT”!
Whew! Nasabi ni Johnpaul sa sarili. Talagang natangay siya kay Maryanne. Iyon ang unang pagkakataon na natangay siya sa pakiki-pagtukaan. Ilang leading-lady na rin ang nakahalikan niya pero kakaiba si Maryanne. Napakalambot ng labi ni Maryanne. Parang kumakain siya ng putong-bigas.
‘‘Akala ko hindi mo na bibitawan ang kapartner mo, JP,’’ sabi ni Dang na matapat na alalay niya. “Kung sakmalin mo ay para kang gutom na sawa.’’
Nagtawa lang si JP.
“Baka totohanin n’yo ‘yan ha JP? Ingat ka. Baka masira ang career mo.’’
“Hindi. Hanggang pelikula lang yun.’’
“Marami ka pang nakalinyang pelikula.’’
“Kayang-kaya, Dang. Don’t worry.’’
‘‘Paghusayan mo pa, JP. Baka maging Best Actor ka. Malaking karangalan kapag naging Best Actor ka.’’
“Huwag kang mainip Dang. Darating tayo d’yan.’’
“Siyanga pala, bukas ay kakausapin ka ni Mr. Kim. Mahalaga raw.’’
‘‘Ano naman kaya yun? Parang ayaw na akong pa-kawalan ni Mr. Kim.’’
‘‘Baka may sasabihin lang ang matanda.’’
“Pag hinigpitan niya ako, sisibatan ko siya!’’
Tulala si Dang. Hindi niya inaasahan ang pana-nalitang iyon.
“Alalahanin niya maraming takaw na takaw sa akin.”
(Itutuloy)
- Latest