PMA Class ’86, nagsunggaban ng puwesto sa PNP!
NAG-AAGAWAN ng mga assignment ang mga miembro ng Philippine Military Academy Class ’86 (PMA ’86) sa Philippine National Police kahit di pa nakaupo itong classmate nila na si PNP chief – in waiting Chief Supt. Ronald “Bato” de la Rosa. Ang mga medyo sikat sa klase ay ang magagandang assignment, tulad ng PRO4-A at PRO3, CIDG at NCRPO, ang inaasam-asam samantalang ang iba ay sa malalayong probinsiya. Kung sabagay, si De la Rosa lang ang nakakaalam kung sinu-sino sa mga kaklase n’ya ang maupo sa mga puwesto, lalo na’t nais nilang isulong ang campaign promise ni Pres.-elect Rodrigo “Digong” Duterte na walisin ang droga sa bansa sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan. Ang balita na umiikot sa ngayon sa Camp Crame ay “wipe out” ang lahat ng opisyal ng PNP, lalo na ang mga regional at provincial directors, na sa tingin ng kampo ni Duterte ay maka-Mar Roxas at kahit pa mga senior sila ni De la Rosa. Habang masayang nagsunggaban ng mga assignment ang PMA Class ’86, tahimik na nagmamasid lang sa kanila ang mga Class ’82, ’83, ‘84 at ’85 na nahakbangan nila. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Never heard itong Class ’86 noon at ni hindi nga sila naging topic o binibigyan ng tsansa na pamunuan ng miembro nila ang PNP subalit sa pagkapanalo ni Duterte biglang nag-iba ang ihip ng hangin, di ba mga kosa?
Habang palapit ng palapit naman ang pag-upo ni De la Rosa sa trono ng PNP, panay naman ang pag-isyu n’ya ng babala at pagbabanta sa mga drug syndicates at rogue cops. Parang sa Davao City lang itong si Bato, di ba mga kosa? Kung sa Davao City, halos kilala na ni De la Rosa ang hasang ng mga pulis n’ya at pati na ang sangkot sa droga, subalit sa buong Pilipinas, baka ilang buwan din bago n’ya maarok ang problemang dulot ng drug syndicates at rogue cops, di ba mga kosa? Ang masama lang nito, hindi lang ang mga drug syndicates at rogue cops ang tinatakot nitong si De la Rosa kundi maging ang mga seniors n’ya sa PNP. Abot naman natin mga kosa na mahigit 100 3-star, 2-star at 1-star general sa PNP ang nalagpasan ni De la Rosa kaya’t ang agam-agam ng lahat ay baka hindi s’ya susundin ng mga senior’s n’ya. Sa isang TV interbyu binalaan ni De la Rosa ang mga senior nya na may kalalagyan sila kapag inisnab nila ang kautusan n’ya. Kaya sa tingin ng mga kosa ko, hindi maganda ang panimula ni De la Rosa kung ang pagdala n’ya sa mga senior n’ya ang pag-uusapan. ‘Ika nga, he started on a wrong foot. Imbes na bolahin o amuin ang mga seniors n’ya para suportahan ang mga programa n’ya eh lalong inilayo ni Bato ang kalooban nila sa liderato n’ya, di ba mga kosa? Tumpak!
Ang katanungan na umiikot sa ngayon sa Camp Crame, saan dadalhin ni De la Rosa itong mga regional, provincial at iba pang PNP officials na sisibakin n’ya? Hindi naman puwede na sa DIPO lahat itapon dahil baka umapaw sila dun. Sa administrative holding unit kaya eh magmukha naman silang me hinaharap na kaso? Hehehe! Me naisip kayang win-win solution itong si De la Rosa patungkol sa mga senior officers ng PNP? Hehehe! Punyeta! Weder-weder lang talaga ‘yan, di ba mga kosa? Tumpak!
At hindi din magkaroon ng katuparan ang kasayahan ng mga junior officers ng PNP na mapaaga ang promotion nila kapag naupo si De la Rosa. Paano pala ma-promote itong mga junior officers kung hindi din mag-retiro ang mga senior officers dahil sa walang quota. Hehehe! Ma-promote lang ng maaga ang mga junior officers kapag nag-retiro o nag-optional retirement ang mga nainis na mga senior officers, di ba mga kosa? Paano kung hindi mainis ang mga senior officers? Eh di wala ding galawan ang mga junior officers at mananatili silang nakatingga o nakanganga. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Baka magmukhang comedy itong PNP natin sa pag-upo ni De la Rosa. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Abangan!
- Latest