^

Punto Mo

‘Utak-talangka nga naman!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINDI pa man nakakaupo bilang pangulo, andami na agad kritiko ni presumptive President-elect Rody Duterte.

Nagpapaligsahan sa kani-kanilang tigli-lima singkong opinyon. Umaasang mapapansin ang mga kulang sa pansin kaya nagpapapansin.

Panukala palang ng dating alkalde, binabaril agad. Ideya palang na ipapatupad sa buong bansa, hinuhusgahan na.

Ang curfew hour na 1:00 am, smoking ban at liquor ban ang tinutukoy ng mga nagmamagaling.

Ilan sa kanila political analysts, historian at mga kumakatawan sa akademya na, mawalang-galang lang po, pero ang alam puro teyorya.

“Small-town thinking” daw si Duterte. Sa ibang salita, very localized ang pananaw. Magkaiba daw ang Davao sa kalakhang Maynila.

Kung naging aplikable daw ang kaniyang mga polisiya at sistema sa kaniyang probinsya, sa buong bansa, hindi uubra.

Bibigyan ko ng kaunting hiya na hindi ko na papangalan ang isang babaeng dean diyan sa University of the Philippines na utak-talangka. Ganun din ang political analyst daw sa De LaSalle University at isa pang historian.

Kayo naman, hindi pa nga naipapatupad at kasalukuyang pinag-aaralan palang, kinukontra n’yo na.

Gusto nyo bang sumikat  o baka naman kaya magpasikat? Kayo naman o! Hintayin muna nating makaupo sa pagka-pangulo si Duterte saka tayo pare-parehong mag-komento.

Wala akong ipinagtatanggol.

* * *

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang episode mag-subscribe sa BITAG YouTube Official channel.

vuukle comment

AAA

CACDSFVGSDF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with