^

Punto Mo

Kampanya raratsada na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa darating na Martes (Pebrero 9), ratsada na ang kampanya ng mga kandidatong tatakbo sa ibat-ibang posisyon sa halalan sa Mayo.

Sa araw ding ito, magsisimula na rin ang  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na baklasin   ang  lahat ng illegal posters at  campaign materials sa mga lugar na hindi itinalaga ng Commission on Election sa buong Kalakhang Maynila.

Labingdalawang team ang binuo ng ahensya para i-deploy sa buong Metro Manila.

Malaking hamon ito sa MMDA, kung paano nila ito ipapatupad.

Kasi nga ngayon pa lamang na hindi pa panahon ng kampanya sangkaterba ng posters at mga streamers ng mga kandidato ang masusumpungang nagkalat na sa mga lansangan sa Metro Manila.

Ayon sa Comelec hindi pa maituturing  daw na may paglabag ang mga ito,  dahil hindi pa naman panahon ng kampanya.

Kaya nga sa Martes sa simula ng campaign period dito na   magkakaalaman kung mahigpit na maipapatupad  ang mga patakaran sa campaign.

Kabilang nga dito ang angkop na laki ng mga posters at streamers at mga lugar na dapat lamang nilang paglagayan.

Ayon din sa MMDA, una nilang pagbababaklasin  ang mga posters na nakalagay sa mga puno, poste, traffic lights , kable, mga bakod at waiting sheds.

Maging sa mga tanggapan ng gobyerno, aba’y dapat din itong mabantayan.

Gayunman, nakasaad sa  Republic Act 9006 or the Fair Election Act, na  maaaring maglagay ang isang kandidato ng kanyang poster o campaign materials sa mga pribadong lugar na may pahintulot ang may-ari nito.

Nagbabala rin ang Comelec   sa mga kandidato maging sa kanilang mga supporters na mairereklamo sa kanilang tanggapan ay agad nilang aaksiyunan.

Kailangan talaga may ngipin ang mga tanggapang ito na ipatupad ang mga patakaran sa halalan na walang exemption at anuman ang kinaanibang partido o political affliation.

Dito nakabantay ang taumbayan hanggang sa matapos ang halalan.

ANG

AYON

COMELEC

DITO

FAIR ELECTION ACT

KALAKHANG MAYNILA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MGA

NBSP

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with