^

Punto Mo

Balitaktakan sa Mamasapano, walang nabago

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Tuluyan na uling isinara ng Senado ang kanilang im-bestigasyon patungkol sa insidente sa Mamasapano.

Ito’y matapos na muling buksan ang pagdinig dito noong nakaraang Miyerkules.

Ayon kay Sen. Grace Poe na siyang namuno sa pagdinig walang maibaba o babaguhin sa unang report ng kanilang komite.

Ang muling pagtatanong kamakalawa ay para bigyan lamang ng pagkakataon si Sen. Juan Ponce Enrile na magtanong  dahil wala ito noong isagawa ang mga unang pagdinig.

Eh di sana ay si Sen. Enrile na lamang ang kanilang pinagtanong para hindi na humaba pa ang usapan na nag-ulit na naman sa mga masasakit na pangyayari sa mga mahal sa buhay ng nasawing SAF 44.

Sa ginanap na pagdinig, aba’y hindi na rin bago ang pagsisisihan ng AFP at sa panig ng PNP partikular si dating SAF director Getulio Napeñas.

Mistulang nag-iisang nagtatanggol sa operasyon si Gen. Napeñas, pero  naidedepensa niya ito.

Sa panig naman ng AFP,  ang madalas na marinig  eh ang umano’y kapalpakan sa pagpaplano ng operasyon sa kabila na may isyu tungkol sa hindi naibigay na reinforcement sa mga naiipit na SAF troppers.

Sa muling pagbubukas sa imbestigasyon ng Senado, bukang bibig na ng marami na sana daw ay huwag magamit ang Mamasapano sa pamumulitika lalo na nga at nalalapit na ang eleksyon.

Kahit hindi sa isyu ng Mamasapano, kahit maliit na usapin, pansin ang pagsakay ng maraming politiko.

Pero katwiran naman ng iba, eh ano kung gamitin sa pamumulitika basta nga naman lumabas ang katotohanan sa insidente.

Basta maisiwalat ang lahat nang walang kinikilingan para na rin sa hustisyang hinahangad lalo na ng mga kaanak ng nasawing SAF.

ANG

ATILDE

AYON

ENRILE

GETULIO NAPE

GRACE POE

ITO

JUAN PONCE ENRILE

KAHIT

MAMASAPANO

MISTULANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with