^

Punto Mo

Taga-media umalma sa patakaran ni Gen. Reyes!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Umaalma ang mga taga-media sa CAMANAVA area (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) bunga sa bagong patakaran ni NPD director Chief Supt. Eric Reyes na halos itinatago na ang spot reports sa kanila. Ang spot reports kasi mga kosa ay ’yaong pinagbabasehan ng mga taga-media sa pagsulat nila ng balita at sa mga nakalipas na directors ng NPD, open ito sa mamahayag. Subalit nitong nakaraang linggo, nag-utos itong si Reyes na ang mga reporters ay kay Supt. Ariel Fulo, ang public information officer (PIO) ng NPD, na mag-coordinate ukol sa balita at hindi na sila dapat dumiretso sa District Intelligence Division (DID) o sa Traffic Division kung saan bumabagsak ang mga reports ng pulisya sa apat na siyudad sa Camanava. Ang problema ng taga-media, kapag Sabado at Linggo, sarado itong opisina ni Fulo at paano na lang nila masilayan ang mga spot reports? Nais kayang itago ni Reyes ang mga balita sa Camanava para magmukhang pogi s’ya? Ang reklamo pa ng taga-media, kapag tinawagan mo itong si Reyes sa telepono ay hindi sumasagot. Punyeta! Di ba may patakaran itong si PNP chief Dir. Gen. Ric Marquez na dapat matiwasay ang relasyon ng mga pulis at media? Anyare Gen. Reyes Sir? Baka naman abala lang si Gen. Reyes sa kampanya laban kina alyas Lucy, ang sakla queen ng Caloocan City, at sa video karera ni Buboy Go sa Malabon, kaya’t hindi n’ya namalayan ang problema ng taga-media sa Camanava?

* * *

Napatunayan lang ng raid ng CIDG National Capital Region (NCR) sa limang suspetsadong drug den sa Culiat, Quezon City na talagang kaakibat sa problema ng droga itong naglilipanang video karera sa Metro Manila. Sa raid na isinagawa ng mga tauhan ni Sr. Supt. Ronald Lee, ang hepe ng CIDG NCR nitong Enero 22 sa bahay ni Rusheed Pustahan sa Mangga Alley, Libyan St., sa Salam Compound sa Culiat, kabilang sa mga nakumpiska ay ang walong video karera machines. Matagal na kasi nating ibinabando na it take two to tango dito sa problema sa droga at sa video karera subalit mukhang bulag, pipi at bingi ang mga kapulisan natin dahil kumikita sila sa tuloy na operation nitong dalawang salot ng lipunan natin. Kung nais ni PNP chief Dir. Gen. Ric Marquez na malinis ng droga sa bansa, dapat sigurong paigtingin din n’ya ang kampanya laban sa video kerara kung saan ang kadalasang kliyente ng mga ito ay ang mga adik, di ba mga kosa? Punyeta! Kelan pa kaya magising sa katotohanan itong PNP natin na mababawasan ang adik sa bansa kapag nalipol itong video karera na kadalasan ay nakalatag sa lugar kung saan naglilipana ang droga o shabu?

Limang bahay ang target ni Col Lee at umabot sa24 katao ang naaresto nila at nakumpiska ang mga sachets ng shabu na aabot sa P100,000 ang halaga. Kasama sa nakumpiska ng team ni Lee ang mga motorsiklo na gamit ng mga suspects sa drug pushing, mga armas, at drug paraphernalia. Tatlong beses nang na-raid ng One Time Big Time ng pulisya ang lugar subalit nanatili ang operation ng mga drug den sa hindi malamang dahilan. Punyeta! T’yak pitsa ang dahilan kung bakit ayaw tumigil ng operation ng nabanggit na mga drug den, di ba mga kosa? Tumpak!

Kahit abo’t-langit pa ang accomplishments ng PDEA, AIDG, CIDG at ni NCRPO chief Dir. Joel Pagdilao laban sa droga, ang ipinagtataka ng mga kosa ko ay hindi naman nababawasan ang supply ng shabu sa kalye. Bakit kaya? Noong una, bumaba ang supply ng shabu matapos ang sunod-sunod na raid sa National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City subalit sa ngayon laganap na naman ang bentahan ng shabu sa kalye. Mukhang wala ng kalutasan itong problema ng droga sa bansa at nakakalungkot, na ayon sa reports, naging source na ito ng pondo o war chest ng ating mga pulitiko. Abangan!

ACIRC

ANG

ANYARE GEN

ARIEL FULO

BUBOY GO

CAMANAVA

ITONG

MGA

PUNYETA

REYES

RIC MARQUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with