^

Punto Mo

PNP-CIDG tutok sa loose firearms

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mahigit na sa 250 katao ang nasampolan at naaresto matapos pasimulang ipatupad ang gun ban kaugnay sa nalalapit na halalan sa Mayo.

Ang gun ban ay magugunitang sinimulan noong Enero 10 at tatagal hanggang Hunyo 8 ng kasalukuyang taon.

Sa naturang bilang mahigit sa 230 ay mga sibilyan, may 2 pulis at nasa tatlo ang   mga halal na opisyal ng pamahalaan at iba pa.

Umabot naman sa mahigit 150 na armas ang nasamsam, meron pang mga granada, mga bala at replica ng mga baril.

Ito ay sa kabila na matagal nang nakapagbigay ng impormasyon ang mga kinauukulan patungkol sa gun ban.

Kaugnay nito, masigasig at tutok  si PNP-Criminal Investigation and Detection Group chief, Director  Victor Deona na palakasin ang kanilang kampanya  laban sa mga partisan groups, loose firearms at mga organisadong grupo ng sindikato.

Ito nga ang pinatututukan sa CIDG para makatiyak  sa payapa at maayos na halalan.

Habang papalapit kasi nang papalapit ang halalan, lalu na nga sa pagsisimula ng kampanya sa susunod na buwan para sa nasyunal at Marso para sa lokal, dyan na malamang magkaroon ng mga iringan.

Siyempre kanya-kanya nang kampanya ang mga kandidato hindi malayong sa kanilang pangangampanya ay magkasalubong sa kalye ang magkakalabang grupo.

Ang nakakaalarma ay kung ang kanya-kanyang supporters o alalay ng mga yan ay mga de-boga.

Dyan nagsisimula ang mga naitatalang election related violence.

Kaya nga ngayon pa lang dapat na talagang masinop ang mga nakakalat na armas.

ANG

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DYAN

ENERO

HABANG

HUNYO

ITO

KAUGNAY

KAYA

MGA

VICTOR DEONA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with