^

Punto Mo

‘Unang bagsak’

- Tony Calvento - Pang-masa

BUMABABA ang presyo ng gasolina pero ang pamasahe walang pagbabago.

Maraming mga mananakay ang nagrereklamo kung bakit hanggang ngayon hindi pa binabawasan ang pamasahe sa mga pambublikong sasakyan.

Dagdag pa sa sakit ng kanilang ulo ay ang mapiling mga drayber ng taksi na ayaw maghatid sa malalayo at sa lugar na may madadaanang trapik. Sigurado ang pagtanggi nila kapag dadaan ka ng EDSA.

Ang diskarte tuloy ng iba wag nang i-metro at kinokontrata na lang ang mga pasahero. Naging ugat nga ng pagtatalo at may mga videong na ‘upload’ sa Social Networking’ sites.

Sa patuloy na pagbaba ng presyo ng gasolina binabalak nang tapyasan ang pamasahe sa dyip at ilan pang pampublikong sasakyan. Umalma naman ang mga taxi driver dahil malulugi daw sila.

Sa isang araw kailangan nilang magbayad ng boundarya. Kung bababa ng trenta pesos ang ‘flag down rate’ nila mula sa kwarenta pesos. Luging-lugi na daw sila dahil wala nang matitira sa maghapon nilang kita.

Ang traffic na dadaanan nila ay grabe kaya’t nauubos ang oras nila dito sa halip na makapaghanap ng panibagong pasahero. Pati gasoline, crudo at liquefied petrol ay nasasayang.

Kadalasan isang libo ang boundary nila sa isang araw, puno pa dapat ang tangke ng gasolina kapag ibinalik nila ang mga ipinapasadang sasakyan.

Dumating na sa puntong menos sampung piso dapat ang magiging kabuuang bill ng pagsakay mo sa taksi pero hindi naman ito natutupad. Kung bababaan nila ang unang singil dapat palitan na din nila ang lahat ng metro o ayusin ito para swak sa pagpapalit ng presyo.

Sa ganitong paraan walang mga pasaherong maloloko at maiiwasan ang pagtatalo sa pagitan ng kostumer at drayber.

Ilang balita na din ang lumabas sa telebisyon at radyo maging sa mga pahayagan na inire-reklamo ang mga drayber na ito nang dahil sa hindi pagkakasundo sa presyo.

Marahil may punto ang sinasabi nilang wala silang gaanong kikitain pero kung ito naman ang magiging desisyon ng ilang sangay ng ating gobyerno dapat silang sumunod at wag nang magmatigas.

Bago naman ito aprubahan ay ilang ‘transport group’ ang kanilang kinakausap at hinihingian ng opinyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Tinitimbang na mabuti bago maglabas ng pinal na desisyon tungkol dito.

Ang problema sa trapiko matagal na nating iniinda yan, kahit anong gawin nating reklamo at pag-aray wala namang nangyayaring pagbabago. Ang mabuting gawin dito ay pagtatanggalin ang mga kolorum na sasakyan at walang mga prangkisa nang sa ganun ay lumuwag ang kalsada.

Kung kukwentahin mo halos pareho lang din naman ang mangyayari. Kwarenta ang unang patak sa metro at dagdag dose pesos sa bawat kilometro. Dating presyo ng gasolina ang kanilang binibili at dumadaan pa din sila sa grabeng trapik.

Ngayong bumaba na ang presyo ng gasolina yun pa din naman ang dadaanan nila. Ang nagbago lang ay ang ibabayad nila sa mga gasolinahan. Iwas na din sana sila sa mga kontratahan na malalapit lang naman ang pupuntahan. Kaya ka nga may metro para sa tamang paniningil.

Nakakainis isipin na kapag humingi sila ng ‘increase’ sa unang flag down ang kanilang dahilan ay mataas ang presyo ng krudo sa merkado kaya nga umabot ng kwarenta pesos e.

Ang dami nilang dahilan kesyo ‘old stock’ nila yun at nabili nila ng mataas nung mga panahon na yun. E ngayon na sinasagad ang presyo sa Gitnang Silangan at ang ilan naman ay buhos ang paggawa ng langis sa mga ibang bansa yung trapik na naman ang kanilang idinadahilan. Baka ayaw niyo lang talagang pahingahin ang ating mga mananakay, hwag naman sana dahil sa taas ng bilihin ngayon sana maibaba ang unang flag down.

Kapag mahina ang supply mataas ang presyo. Kapag sobra naman ang supply dapat mababa ang presyo. Simpleng arithmetic lang yan mga pare ko.

PARA SA ANUMANG REAKSYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

ACIRC

ALIGN

ANG

GITNANG SILANGAN

LEFT

MGA

NAMAN

NILA

PRESYO

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with