LTFRB, kilos na agad
PATULOY ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa pagbaba pa rin ng presyo sa pandaigdigang pamilihan.
Kaya naman mismong ilang mga transport groups na ang humihirit ng rollback sa pasahe sa mga pampasaherong jeepney.
Ang masaklap, sa susunod na buwan pa raw aaksiyunan ng LTFRB ang petisyon sa fare rollback sa mga jeepney.
Nais unahin daw ng LTFRB na ipatupad ang pagbabawas sa singil sa pasahe sa mga taxi.
Hindi ba kakayanin ng LTFRB na pagsabayin na ang pagpapatupad ng fare rollback upang mapakinabangan na agad ng publiko.
Isa itong interes ng publiko na dapat ay prayoridad ng gobyerno at direktang makikinabang ay ang masang Pilipino.
Kung magiging mabagal ang LTFRB sa pagkilos sa fare rollback, baka naman maabutan ito ng muling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at muling matabunan na ang rollback sa pasahe.
Sana ay malaki ang rollback sa pasahe dahil napakalaki na ng ibinaba ng presyo ng diesel na ginagamit ng mga pampasaherong jeepney at gasolina na gamit ng mga taxi.
Samantala, kung ang mga taxi ay mabilis na inaaksiyunan ng LTFRB kaugnay ng mga abusadong driver nito, dapat din tutukan nito ang mga abusadong jeepney driver.
Maraming jeepney drivers ang madalas na lumabag sa batas-trapiko at ang ilan ay hindi nagbibigay ng tamang sukli sa pasahe. Pagsasamantala ito sa mga pasahero na sana ay agad silang mapatawan ng parusa tulad sa mga abusadong taxi driver.
- Latest