^

Punto Mo

Para lumakas ang benta: Mga panadero sa France, nagtago ng 2 diyamante sa kanilang mga tinapay

- Arnel Medina - Pang-masa

UPANG makapang-akit ng maraming mamimili ay nag-isip ang dalawang panadero sa France ng isang kakaibang gimik na siguradong magpapalakas ng kanilang benta.

Naisipan ng mga panaderong si Nicolas Lelutat, 35, ang kanyang si Julie, 30 na magtago ng tig-isang diyamante sa magkahiwalay na tinapay. Kaya naman inaasahan nilang dadagsain ang kanilang dalawang bakery kung saan ihahalo nila ang dalawang tinapay na may nakatagong diyamante sa 800 iba pang tinapay na kanila ring ipagbebenta. Kung susumahin ay may .25 porsiyentong tsansa ang bawat mamimili na makuha ang isa sa mga tinapay na may diyamante.

Hindi naman kailangang mag-alala ng mga bibili ng tinapay mula sa bakery ng mga Lelut na baka nila makain ang maliliit na diyamante dahil hindi naman totoong diyamante ang inihalo sa tinapay. Makikita agad nila ang nakahalong “diyamante” dahil malalaking plastic na hugis diyamante lang ang kanilang inilagay sa dalawang tinapay.  Ang malaking plastic na diyamanteng ito ang kailangang dalhin sa bakery ng mag-asawang Lelut upang ipalit sa totoong .20-carat na diyamante na nagkakahalaga ng $900 (katumbas ng higit sa P42,000).

Si Julie ang nakaisip ng kakaibang gimik na ito nang minsang nakikipagkuwentuhan siya sa kanyang hairdresser ukol sa mga diyamante. Naisip niyang papatok ang pag­lalagay ng diyamante sa kanilang mga tinapay at tiyak na maeengganyo nito ang mga publiko, lalo na ang mga kababaihan, na bumili ng mga tinapay mula sa kanilang bagong bukas na panaderya.

ACIRC

ANG

DIYAMANTE

JULIE

KAYA

LELUT

MAKIKITA

MGA

NICOLAS LELUTAT

SI JULIE

TINAPAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with