^

Punto Mo

Kamag-anak

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

“Baoy”.  Hindi ko alam kung saan nagmula ang salitang ito. Hindi ko rin alam kung ito ay original Tagalog word. Basta’t lagi kong naririnig ang salitang ito tuwing may away na nangyayari sa aming angkan. Ang ibig sabihin ng baoy ay pagsumbat sa mga bagay o pabor na naibigay.

Halimbawa ay may ikinagalit ang isang kamag-anak sa aking ina o ama, biglang mambabaoy ang mga ito ng mga  bagay na naibigay niya o kaya ay naitulong mula nineteen kopong-kopong hanggang sa kasalukuyan. Bata pa lang ako noon pero unawang-unawa ko na kapag nagdayalog ang aking ama’t ina ng— “O, ayan, binaoy na naman tayo. Hayyy, kailan kaya tayo makakawala sa pambabaoy ng mga iyan. Tuwing magagalit ay iisa-isahin ang mga pabor na naibigay na ng matagal na panahon.”

Minsan ay nangutang ang isang kamag-anak sa akin pero hindi ko pinagbigyan dahil may utang pa ito sa akin na hindi nababayaran. Kagaya ng dapat asahan, nagtampo ito. Nagsumbong sa isang kamag-anak. Wala raw akong utang na loob samantalang tinulungan nila ang aking ama noong ito ay isang dakilang tambay lang. Sadyang ipinarating ang panunumbat sa akin. Napaawa ako sa aking ama. Matagal nang humalo ang katawan sa lupang kinalibingan nito pero hindi pa rin makawala sa pambabaoy ng kamag-anak.

 

ACIRC

ANG

BAOY

BATA

HALIMBAWA

HAYYY

ITO

KAGAYA

MATAGAL

MINSAN

NAGSUMBONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with