^

Punto Mo

EDITORYAL - Dapat nang ibawal pagdadala ng baril

Pang-masa

ANG election period ay magsisimula ng Enero 10, 2016 at matatapos sa Hunyo 8, 2016. Mag-uumpisa naman ang campaign period para sa mga tatakbong Presidente, Bise Presidente at party-lists representatives sa Pebrero 9, 2016 samantalang ang mga tatakbong kongresista, mayor, vice mayor at mga konsehal ay magsisimulang mangampanya sa Marso 26, 2016.

Kapag nagsimula na ang kampanya, inaasahang marami ang maitatalang krimen dahil sa mga nagkalat na baril. Maraming baril ang walang lisensiya at maaaring gamitin ito ng mga pulitiko para sa kanilang pansariling interes. Hindi rin naman maitatago na maraming pulitiko ang may private army at mayroong armory. Kapag nagkaharap ang dalawang pulitikong may kanya-kanyang hukbo, karahasan ang ibubunga.

Nagkalat ang baril ngayon at hindi lamang pulitiko ang mga nagmamay-ari kundi pati na sindikato. Ang riding-in-tandem criminals ay walang puknat kung sumalakay at pumapatay gamit ang baril. Maski na ang mga karaniwang mamamayan ay mayroon ding baril. Kamakailan, nakunan ng CCTV ang pamamaril ng isang lalaki sa kanyang kapitbahay na lalaki. Walang anumang nilapitan ng lalaki ang kanyang kapitbahay at pinaputukan sa ulo. Namatay ang biktima.

Hindi naman masawata ng Philippine National Police (PNP) ang pagdadala ng baril. Kahit pa may checkpoint, wala ring epekto at patuloy ang paglaganap ng krimen.

Pinakamainam kung ang Commission on Elections (Comelec) na ang magdeklara na maagang ipagbawal ang pagdadala ng baril. Ngayon pa lang, ipagbawal na ang pagdadala ng baril. Ganito rin ang kahilingan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV). Dapat ipatupad nang mas maaga ang pagbabawal sa lahat na magdala ng baril para maiwasan ang karahasan.

Mapakinggan sana ito ng Comelec. Kumilos naman sana ang PNP para lansagin ang private armed groups. Kung malalansag masisiguro ang payapang election sa Mayo 9.

ANG

BARIL

BISE PRESIDENTE

COMELEC

DAPAT

ENERO

KAPAG

MGA

PARISH PASTORAL COUNCIL

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RESPONSIBLE VOTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with