^

Punto Mo

Sir Juan (79)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PARANG ayaw pang sabihin ni Gringo kung sino ang nag-utos sa kanya para kunan ng pictures si Mahinhin. Bantulot pa ito.

Binigyan pa ni Sir Juan ng isang bote si Gringo. Baka kulang pa ang karga kaya bantulot ipagtapat kung sino ang nag-utos.

‘‘Inom ka pa Gringo. Masarap uminom kapag nagkukuwentuhan di ba ?’’

‘‘Opo ngah Sir Johnny, hik!’’

“Magpulutan ka pa, etong sisig o. Masarap ang sisig.’’

Kumutsara ng sisig si Gringo.

“Hmmm, sarap ngah, hik!’’ sabi nito at saka tumungga. “Ahhh ang sarap, hik!’’

Nakatingin lang si Sir Juan at nag-iisip. Tiyak na ipagtatapat na ni Gringo kung sino ang nag-utos. Hindi na niya kailangang itanong pa rito.

Maya-maya nga nga ay napasubsob si Gringo sa mesa. Talagang lasing na. At kumanta na. Walang pigil.

“Inutusan kasih akoh ni Nectar, hik. Sabih niyah, kunan koh ng pictures si Mahinhin, hik. E dih kinunan koh, hik.’’

Shock si Sir Juan sa nari­nig. Sabi na nga ba niya at may kaugnayan si Nectar sa pagkuha ng pictures ni Mahinhin.

Pero hindi agad nagpadalus-dalos si Sir Juan sa pagtatanong kay Gringo at baka makahalata ito. Kunwari ay patay-malisya si Sir Juan. Hinayaan na lang niyang magkuwento si Gringo.

“Peroh maraming tsetse-buretse si Nectar, hik! Sabi ba naman sa akin Sir Johnny, kunan ko raw ulih ng picture si Mahinhin, hik. Kasih raw, duda yata yung may-ari ng boarding house kung si Mahinhin nga ang nakunan koh, hik! Para raw hindih naniniwala ang may-ari ng boarding house, hik. Sabih ko e talagah namang si Mahinhin ang kinunan koh, hik. Wala namang iba pa akong kukunan, hik. Aywan ko bah kay Nectar kung bakit gustong pakunan uli si Mahinhin. E akoh naman e masunurin, hik. At isa pa, nangako sa akin si Nectar na ipakikita niya sa akin ang nasa likod ng pugad ng The Raven…hik!’’

“The Raven? Bakit napun- ta sa The Raven? Akda ni Ed-gar Allan Poe ang The Raven.’’

Nagtawa si Gringo.

“Sir Johnny, yung The Raven ay simbolismo lang, hik. Ang totoo ay yung “pugad ng uwak” ang gusto kong sabihin. Sinabi koh lang na The Raven para walang makahalata. Pangako sa akin ni Nectar, ipakikita niya sa akin ang nasa likod ng itim na pugad ng uwak, hik. Nakuha mo Sir Johnny. Sino ba naman ang hindi matuturete kapag ipakikita ng tsik ang nasa likod ng maitim na pugad, hik!’’

“Nakuha ko na Gringo. Hiyas ni Nectar ang ipakikita sa iyo. Ang hiyas ay natatakpan ng itim na pugad, right?’’

“Ang galing moh Sir, hik.’’

Napangiti si Sir Juan. Talaga palang pilya si Nectar at nangakong ipakikita ang hiyas. Sabagay siya nga ay pinasok na ni Nectar sa room niya. Pero hindi lang natuloy dahil nga naabala sa pagtawag ng brother niya.

“Kaya atat na akong kunan uli ng picture si Mahinhin, hik. Nagpakita na kasih ng kapirasong boobskie si Nectar, hik. Ang gandah ng boobskie, hik, hik!’’

Napangiti si Sir Juan.

‘‘Iyan ang dahilan kaya akoh naritoh, hik.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ALLAN POE

ANG

GRINGO

HIK

JUAN

MAHINHIN

NECTAR

SIR

SIR JOHNNY

SIR JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with